Isang hapon noon,habang kami ay naglalaro
may isang sasakyan biglang huminto. sila na pala ang titira
sa kabilang pinto,may anak kaya silang pwede kong makalaro?.
Lahat kami ay nakatingin pero hindi umiimik,lumabas na sana sila
pagkat ako ay nasasabik. Isa-isa ngang nagbabaan,ako ay biglang natahimik
may batang lalaking sa nanay niya ay nakahawak.
Kakaiba ang mag anak,kulay nila ay maiitim buhok nila ay kulot
at parang ang hirap unatin.Subalit nakangiti sila agad kaya ako'y ngumiti rin
iyon ang hudyat ng isang pagkakaibigang malalim.
Ako at si Roy ay naging matalik na magkaibigan,magkasundo kami kahit magkaiba ang kaanyuan
Madalas kapag siya'y tinutukso at pinagtatawanan Ako ang nagtatanggol sa kanya
Mahusay siya sa pagguhit at sa pagtakbo aymabilis. anuman ang kulay ng balat niya ay di ko na napapansin,
basta ang alam ko,si roy ang kaibigan kong butihin.
hindi dapat tayo mang husga sa kulay lang o sa anyo
kilalanin ang ang ugali at ang buo niyang pagkatao
pinakamahalaga pa rin ang nilalaman ng kanyang puso.