MY DISGUISE: Campus Queen Bee (One Shot)
by: F3_EtErniTy
QUEEN BEE
-the meanest and prettiest girl in the campus.
I am numb.
but
I’ve got all that it takes,
I’m rich, beautiful and intelligent.
and yeah, I’m also mean.
That is why I became the Campus Queen Bee,.
Though I think something is missing.
I am Amiela Jade Lee.
Ako lang naman ang itinuturing na Queen Bee sa Park Hyun Exclusive University. Ninong ko ang may-ari ng school na ito, sila din ang pansamantalang guardians ko dito sa Pilipinas habang nasa US ang mga parents ko, you know, the usual thing,, business..
Lumaki akong isang matinong bata pero noon nalang yun. Dahil ngayon kailangan kong magtago sa likod ng isang maskara, isang personalidad na tinatago ang tunay na ako.
**Park Hyun Exclusive University**
“Good morning Miss A.”
“Good morning Miss Amiela.”
crowded nanaman ang pathway pero I don’t care, as long as kapag dadaan ako they SHOULD give way..
dahil wala silang karapatang kalabanin ako.. Para saan pang naging Queen bee ako dito kung hindi ako nirerespeto.
“Yela!”
ohh! that voice.. that irritating and annoying voice.. from my one and only true friend.. Amethyst Cassandra Smith.
Half-Filipino din sya like me. Both parents nya nandito sa pilipinas at may-ari sila ng isang sikat na clothing line at isang five star hotel dito. Cassandra is the only person who knows the real me, the Amiela under the mask of fear.
“Hey Cass.”
“Yela, may naghahanap sayo.”
“Sino naman?”
“Ewan ko, staff ata ng school paper.”
“Ahh ok. Ano naman yung gusto?”
“Ewan. Ikaw na kaya magtanong noh? Ayun oh, yung nakatayong babae sa harap ng room.”
at ayon nga nilapitan ko yung babae. Mukhang nanginginig sya ah.
“Ikaw ba yung staff ng school paper?”
“Ah opo Miss Jade, ako po yun.”
“Jade” uhh, I don’t like being called Jade!
“Don’t call me Jade, I prefer Amiela. What do you need?” sabay irap sa kanya
“Sige po Miss Amiela. Nandito po ako para i-interview kayo para sa isang article sa school paper natin.”
“Is that so. Pwede bang mamaya nalang malapit ng mag-start ang first subject ko eh.”
“Sige po. Anong oras po kayo pwede?”
“Mamayang lunch time nalang siguro sa cafeteria.”
“Sige po. Salamat po Miss Amiela.”
I turned my back and went straight to our classroom. Naupo na ko sa favorite seat ko. Sa second row katabi ng bintana, si Cass naman sa harapan ko. Vacant lagi yung upuan sa tabi ko dahil walang may lakas ng loob na tumabi sakin. They always feel intimidated. Tss..