Chapter 7-Mahal ko Mahal ako?

9 2 0
                                    

"Hi strawberrybabe!/Hi Lian"

Sabay bati sakin nung dalawang makukulit.Ang aga-aga nandito agad sila.Ano naman ang problema ng mga to?

"Oh anong ginagawa niyo dito?"

"Ihahatid ka sa school"

Sabay ulit nilang sabi.Hahaha.Nakakatawa yung mga itsura nila.Halatang naiinis na sila sa isa't isa kasi kanina pa sila sabay magsalita.

"Bakit kailangan niyo pa akong ihatid sa school?anong akala niyo sa kin,disabled?kaya ko namang pumunta sa school mag-isa.At tsaka,hello!nasa tapat lang ng bahay namin yung school oh"

"Ganyan talaga pag nanliligaw strawberrybabe"

"Ganun?Pwes,ayoko nang magpaligaw kaya tsupi na kayo"

"Wag naman ganun,strawberrybabe"

"Hindi na kita kukulitin sa paghatid basta bigyan mo lang ulit ako ng chance"

"Psh.Ewan ko sa inyo"

"Tss.Ang epal kasi"

"Hindi ako epal noh.Baka ikaw"

"Kung hindi ka epal,eh anong tawag sa yo?Kupal?pinagsamang kulugo tsaka epal"

"Eh ano naman ang tawag sa yo?Asungot?Pinagsamang asong ulol at engot"

"Aba naman,nagsalita ang askal!in short,asong kalye"

"Eh ikaw,pusakal?as in,pusang kalye"

I rolled my eyes at them.Seriously? They're so childish.Iwan ko na lang kaya tong mga to.Pero baka magsuntukan na to mamaya.

"Stop!di ba kayo titigil?"

Ayun tumigil naman yung dalawa pero hindi pa rin nila inaalis ang matatalim na tingin nila sa isa't isa.Hay,buhay!

Sinabihan ko na lang si Kenth na wag na niya akong ihatid sa school lagi.Hassle pa yun sa kanya kasi sa iba yung daan niya papuntang school niya.Sabay naman kami ni Liam Panget pumunta ng school syempre kasi parehong school ang pinapasukan namin.


Ayan naman ang mga tsismosang bubuyog.Nagsisimula na namang silang mag-ingay.Bubulong-bulong pa eh naririnig ko naman.Tsk!
At ito ang ilan sa mga narinig ko:

"Ang swerte naman ni Lian"

"Aww.Ang sweet naman ni Liam"

"Sana ako na lang si Lian"

At eto ang matinding nadinig ko.Nagpanting talaga ang tenga at tumaas naman ang kilay ko nung narinig ko yun.

"Akala naman niya ang ganda niya.Hindi sila bagay ni Liam.Hmmp!"

Aba-aba.Anong karapatan niyang insultuhin ako.Feeling naman niya ang ganda-ganda niya.

Tss.Lian,inhale....exhale. Wag mo nang patulan yan.Hindi mo siya kalevel di ba?

Naramdaman ko naman ang pag-akbay sa kin ni Liam Panget kaya tiningnan ko siya ng anong-ginagawa-mo look.

"Wag mo na silang pansinin"

"Okay"

Hinatid ako ni Liam sa classroom kahit pa sinabi kong wag na.Pero ang kulit-kulit talaga ng taong yun.Bago umalis,sinabi niyang ihahatid niya rin daw ako pauwi.Tapos may pahabol pang banat tsaka tumakbong tumatawa-tawa.


"Uy Beh,bat tulala ka jan?"

"Ha?ah-eh.."

"Ano bang iniisip mo?"

"Wala naman"

"Okay.Hindi siguro ako sasabay pag-uwi ah.Kasama ko si Peter.Hihihi"

Ayun naman pala eh!lumalovelife ang loka.Lande naman.Hahahah.

Falling inlove with Mr.Banat!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon