Cheian’s POV
Matapos ang Challenge ni Tita Azzy sa farm niya nagsiuwi na kami lahat kasi maaga pa kami bukas . Hindi naman kasi natatapos ang trabaho namin sa bar ni Tita Nicole eh . Hindi rin porke may mga challenge sila Royce at Chester para sakin eh titigil din kami sa mga trabaho namin . Kaya andito kami nila Aki at Nathan ngayon at nagaayos ng mga tables at mga disks at tracks sa NWB para mamaya nang pumasok si Tita Nicole kasama sila Chester at Royce .
“Ready na ba kayo para mamaya ? Kamusta naman ang challenge ni Tita Azzy niyo ? Who won ?”- Tita Nicole
“Si Chester po . Pero dun sa last task ni Tita Azzy si Royce nanalo kasi grabe talaga yung performance na yun napaka heart warming . Akalain mo yun Tita naiyak pa si Royce ? First time ko nakita na umiyak si Royce eh . (^_~)”- Natatawa pang sabi ni Nathan . Napasimangot naman si Royce tsaka tinignan ng masama si Nathan .
“Haha so nakita na din namin ang soft side ni Royce ! Alam mo kung hindi ka lang laging maangas malamang ikaw na napili ni Cheian sa simula pa lang “- nangaasar na sabi ni Aki .
“Guys wag niyo na asarin si Royce . Maganda nga yun eh atleast may challenge na tong panliligaw namin kasi naglelevel up na si Royce “- sabi ni Chester . Aba’t pinagtulungan talaga nila si Royce eh . Nakasimangot na lang siyang umupo sa stool na malapit sa table na inaayos ko . Nanahimik na lang ako kasi baka ako naman ang pagtripan nila .
Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko ay hindi na nakisali sa kanila , dapat ko na maayos yung mga table at ang lahat ngayon kasi may event mamaya dito sa bar . Ito ang isa sa mga malalaking events ni Tita sa NWB kasi marami ding pupuntang mayayamang business men and women kaya kailangan maayos ang lahat , mahirap na . Kailangan kasi bongga ang lahat dahil nga sa reputation ng bar na lagi itong in demand , mahirap nang mabad shot sa mga friends ni Tita Nicole .
At ano bang meron sa event na ito at kailangan madaming businessmen at women ang dadalo you may ask ? Birthday lang naman ni Tita Nicole . Kaya nga kailangan smooth ang takbo ng event mamaya . Sana nga lang walang hindi magandang mangyari .
“Osya tama na yang pangaasar kay Royce and let’s talk about your tasks . Alam niyo naman siguro na turn ko na magical ng Challenge sa inyo diba ? So ako din may 3 tasks lang naman . First is Magiging Promo boys ko kayo tonight , and the person who sells the most in 1 hour is the winner . "
"Second task is Flair tending kaya ngayon ko Sinabi ito sa inyo para makapag practice kayo kasi alam ko na hindi pa kayo ganun kagaling diba ? Kaya ito ang binigay kong task kasi alam kong kaya niyo dahil may experience na kayo sa pag f flair 3 minutes lang naman so kaya niyo talaga yan . Dapat iba ang technique at routine niyo , ang guests ang papapiliin ko sa winner . "
"And last is kayo ang magddj sa taas . is supervise kayo nila Aki , Nathan and Cheian , our resident Djs . So Are we clear ? Naintindihan niyo ba ?”-pagpapaliwanag ni Tita .
Grabe naman yung mga tasks na yan parang sa paraan ng pagkakasabi niya eh ang dali gawin , eh para na ring Sinai ni Tita na silang dalawa lang ang gaga law mamayng gabi eh manunuod lang kami at magsusupervise . Pero syempre ayus din yun ah , at least wala na kami masyadong gagawin .
BINABASA MO ANG
Mr. Right
RomanceMr. Right Story ng taong manhid , martyr at purong pagibig . Summer love story na para sa mga Bitter , Inlove , at Walang paki , para sa mga hopeless romantic at iba pa . sana magustuhan niyo guys (^_^) Isa nanamang itong summer lovestory na nagawa...