Ako si Gary, and I had a friend Charie kahit na hindi kami pinalad na dalawang mamuhay ng isang normal na tao, Ipinanganak kaming may kapansanan sa pagsasalita.
Ngunit hindi ito naging hadlang para kamiy hindi kami magkaintindihan bagkus naramdaman namin ang damdamin ng bawat isa kaya……naging kami ng magkalaunan…
Naging Masaya kami ng mga ilang buwan, nagkasama, naging Masaya hanggang sa ilang buwan rin ang lumipas, natupad ang pinapangarap ni Charie, nagkaroon siya ng boses magkalaunan pagkatapos ng kanyang surgery sa vocal chords niya… Pagkatapos ng kanyang recovery.. naging madali na ang kanyang pamumuhay simula noon. Naging Masaya rin ako para sa kanya.
Mas madali rin ang aming pagkakaintindihan.. But then, after ng ilang buwan, inatake siya ng lagnat, panginginig at di malamang kahinaan ng katawan. Pero agad rin itong naagapan ng mga doktor . Patuloy ang kanyang paggaling ng ilang araw at nakalabas na rin ng hospital. Pero makalipas ang ilang linggo, bumalik ang kanyang sakit pero mas malala nung nakaraan…
Bumagsak ang kanyang katawan kasama na ang kanyang immune system na nag ugat sa maraming sakit na kanyang natatanggap. Wala nang magawa ang mga doktor sa sakit niya. Nawalan na rin ng pera ang magulang ni Charie kaya iniuwi nalang nila si Charie sa bahay nila para magpagaling kasama ang mga binigay na gamut ng mga doktor. 3 Days has passed. Bibisitahin ko sana siya pero hinarangan ako ng ate ni Charie sabing break na daw kami dahil di ako man lang bumisita sa hospital habang siya ay nakaconfine. Wala rin daw ako sa tabi niya sa oras na kailangan niya ako. Naintindihan ko si Charie non. Tama naman siya. Wala ako nung mga oras na iyon.
September 14 2011
Day ng Anniversary namin ni Charie, kaso nga nagbreak na kami. Nung mga oras na gusto ko siyang bisitahin pero isang text ang nagpabago ng lahat. Galing ito sa ate ni Charie….sabing “Gary……Patay na si Charie” Nabigla ako. Di alam ang gagawin. Wala ako sa sarili. Hindi ko man nasaksihan ang pagkamatay niya habang nasa tabi niya ako.. oras na kailangan niya ako..kaya pinagsisihan ko talaga iyon..
Libing na ni Charie, di ako dumalo, sila mommy at daddy lang ang dumalo, maging sa mga araw na binurol si Charie dahil di ko kayang ipamuka ang sarili ko sa mga magulang ni Charie.
3 Days pagkatapos ng pagkamatay niya… Nakatanggap ng balita si mommy mula sa doktor ko, mayroon daw na magdodonate ng vocal chords para sakin. Tumangging magpakilala ang pamilya ng donor sa doktor ko pero laking pasasalamat ang pinakita ng magulang ko sa pamilyang nadonate sa akin ng chords.
Agad – agad na sinimulan ang surgery ko at agad na rin akong nakarecover sa surgery ko makaraang ang ilang linggo.
September 14 2012
Isang taon na ang nakalipas, matapos ang pagkamatay ni Charie. Anniversary rin namin yung araw na iyon..Naalala ko ang sulat na ibinigay sakin ni mommy matapos ang libing ng Charie na binigay sa kanya ng kanyang ate…. Itinago ko yun sa drawer ko… Isang taon na rin ang nakalipas na di ko pa ito nababasa. Nang buksan ko ito, sulat – kamay ito ni Charie binasa ko at ito ang nakasulat.
Dear Gary,
Sorry kung sinaktan kita nung bumisita ka sakin nung nakaraan. Ayaw ko lang naman kasing Makita mo ko sa lagay kong nahihirapan kaya pinaalis kita at tsaka pa, inantay ko ang araw ng anniversaray natin para kahit paano ay mabisita mo ko ngunit di ako mukhang aabot kaya isinulat ko nalang ang lahat ng gusto kong sabihin sayo at malaman mo ring… mahal pa rin kita. Mamamatay man ako sa araw na ito ng ating anniversary ay para maalala mo ang masasayang sandali natin tayo na magkasama ay para makalimutan mo na rin na namatay ako sa araw na iyon. At tsaka nga pla, hiniling ko rin sa pamilya ko na tanggalin ang vocal chords ko at idonate sayo bilang regalo sa ating anniversary at magkaroon ka ng boses dahil alam kong mahihirapan ka na maghanap ng kapalit sa akin dahil di mo masasabi kung mahal mo siya, ano ang nararamdaman mo at gaano mo masasabi na tatagal ka sa tabi niya.. So siguro, hanggang dito na lang, Gary. Salamat sa mga ala – ala mo, habambuhay kong dadalhin iyon. Salamat sa mga pag – aaruga mo at mamuhay ka nang Malaya at normal na tao. I Love You, Goodbye. Paalam, Gary.
Nagmamahal
Charie
