wala na...

1K 45 10
                                    

'Ako na assuming!'

Madalas ko yang sabihin sa sarili ko lalo na pag tungkol kay crush ang usapan. 

Tuwing recess or free cut or kahit anong time basta pwede, asahan mo mga kaibigan ko ang kasama ko. At siyempre, ano pa ba ang ginagawa namin? E di ang pag-usapan ang mga crush namin!

Hindi kumpleto ang buhay pag walang 'inspirasyon'... (aminin!)

Ang sarap kaya sa feeling yung kinikilig-kilig ka pa habang kinu-kwento mo sa mga kaibigan mo yung naging 'moment' niyo ni crush. E ang totoo lang niyan ay nakasabay mo lang siya sa paglalakad.. O kaya naman ay may nalaman kang bago tungkol sa kanya. Gusto mong sabihin na "galing ko noh? di niyo alam yun!" na kadalasan ay sinusundan pa ng tawang pang-aasar. >:D

Makasalubong ko lang siya ng hindi sinasadya, konting pagtatama lang ng aming mata, pagkakadikit ng aming mga balat -- lahat yan ay may kahulugan sa akin. Umaasa't nangangarap na may nararamdaman din siya para sa 'kin. Oo, ang babaw pero ganyan talaga ako.

Aaminin ko minsan nagiging O.A. na ko. Naiisip na wala na kong pinagkaiba sa mga babaeng kinaiinisan ko.

Yun yung mga babae na sobra magpa-cute sa harap ng crush nila... na madalas ay ginagawa ko din naman.

Nakakainis di ba?

Ay mali!

Nakakainis ako di ba???

Nung minsan nga, naisipan kong ipatanong sa kakilala ko na kaklase naman niya kung ano ba ang tingin niya sa mga babaeng nagpapakita ng motibo ng pagkagusto sa kanya.

Kaya naman nung nalaman ko, tinandaan ko etong mabuti...

"Hindi ganuong klaseng babae ang magugustuhan namin mga lalake. Mas gusto namin kami ang naghahabol kesa sila ang maghahabol sa 'min." Yan ang sinagot niya. 

Haaay... Nalungkot ako.. Ibig sabihin, ayaw niya sa mga katulad ko. Pero hindi dahilan yan para mawalan ako ng pag-asa.

Sa tuwing nakakasalubong ko siya, hindi ko na siya tinitignan. Pag sa canteen naman, hindi na ako umuupo malapit sa kung saan siya. Hindi na rin ako tumatambay malapit sa room nila pag free time namin. Hindi ko na siya hinihintay umuwi para hindi na kami sabay sa service. Pumapasok na rin ako ng maaga para hindi ko na siya nakakasabay sa pila ng mga nale-late. Lahat-lahat ng pag-iwas ginawa ko, para malaman kung hahanapin niya ba ang presensiya ko.

Ilang linggo ko din tiniis na siya'y iwasan... nakakatuwa nga e dahil isang araw nilapitan niya ako. Siya mismo ang lumapit sa akin para kausapin ako! Pakiramdam ko ng mga sandaling yun, nagtagumpay ako dahil sinabi niya na 'gusto niya daw ako'.

Pero hindi pala ang plano na yun ang napagtagumpayan ko... dahil pala sa ginawa kong pag-iwas sa kanya ang isang malungkot na katotohanan...

"WALA NA AKONG NARARAMDAMAN PARA SA KANYA.."

---

TrueStory! >///<

wala na...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon