Chapter 4

486 9 0
                                    

Gerald's POV

Tahimik lang akong naka tayo at pinapanood ang bawat taong palabas-masok sa airport at sa paligid naman may mga naghihintay, malamang karamihan dito hinihintay yung mga kamag-anak ni lang balik-bayan. wala pa naman kasi yung driver na susundo sa akin kaya naghintay pa ako ng onting oras..

Bigla kong naalala yung babaeng nakabangga ko kanina...

"hmm, ba't parang familliar sya." inisip ko talaga kung saan ko ba nakita yung babae na yun..

*TING!*

"Ahh.. sya rin pala yung babae na katabi ko sa loob ng eroplano.tsk! tsk!"

Paano ko ba naman kasi makakalimutan eh hindi naman din kame nag usap o kung ano pa mang conversation.. Natulog lang talaga ako buong flight! bukod sa hindi ko din talaga gusto umuwi ng pinas eh hindi ko din gusto yung katabi ko..Geeezz!

*Flashback*

Habang natutulog ako, damang dama ko yung galaw nung babae sa tabi ko. 

"ang likot naman nito.tss!" Sabi ko.

Nakatalikod pa din ako sa kanya kaya alam kong di naman nya narinig yung sinabi ko.

Hindi ko alam kung natutulog ba sya o may ginagawang kung ano-ano. ang LIKOT eh. Geezz! naiinis ako..

Nung makatulog ulet ako................

.

.

maya-maya may ingay naman akong naririnig mula sa katabi ko. INIS talaga!.. KUMAKANTA pala! Darn!..

"hindi ba nya alam na natutulog yung katabi nya. Bwiset! Inis! geezzz!.." 

Naka headset pa, malamang di nya alam na nabubulabog nya ako na katabi nya sa upuan. Ang ingay pa ng kinakanta grr!

.

.

.

Biglang nag-iba yung lyrics at tono nung kinanta nya, medyo smooth. Hindi na tulad kanina na ang ingay kung kumanta parang sasayaw na ewan. 

"hmm, maganda naman pala ang boses nitong katabi ko."

Pinakinggan ko sandali..

"may pagka angelic voice." Sabi ko bigla.

Tss! kung ano-ano na naiisip ko.makatulog na nga...

*End of Flashback"

"Sir Gerald?." sabi nung matanda sa harapan ko.

Kinikilala ko naman yung mamang kumausap sa akin.

"Manong den?" sabi ko ng maalala ko kung sino sya, Sya yung matagal ng Driver ng family namin. Pero ngayon kay dad na lang.

"Opo sir! kamusta kayo sir gerald.?" 

"Mabuti naman po manong den, kayo po?"

Medyo matanda na rin pala itong si manong den, Laki ng pagbabago sa itsura nya.

"Ayos naman din ho, Buti naisipan nyo pong mag bakasyon dito sa pilipinas." Sabi ni manong.

"ahm, Tara na po manong? hehe."

Pag-iwas kko na lang sa topic, Hindi naman ako magbabakasyon dito kung hindi dahil kay mom. Tss!.

"Ah sige po, akin na po yung bagahe nyo ng malagay ko na sa likod ng kotse."

Nahalata naman ata ni manong den na iniba ko na lang yung topic..Geeezz! ayoko naman talaga dito.

Gerald's POV

It was my Dad's fault after all, Kasalanan naman nya kung bakit ako ganito kalamig sa kanya. Wala na syang inatupag kundi yung FARM nya! samantalang kame ni mommy laging naghihintay sa wala. Naawa nga ako noon kay mom dahil affected talaga sya, may times na naririnig ko pa sila ni dad na nag aaway at nag sasagutan. I was 16 yrs old that time. and i so Damn hate my father because of hurting my mom...

Siguro biglang natauhan si mom at biglang isang araw pinag impake na lang nya ako dahil aalis na daw kame sa lugar na ito. Pumunta kame sa australia kung saan dun daw nakatira yung kapatid ni mommy, si tita carmen.

Pumayag naman si tita na doon muna kame tumira pansamantala. Meron syang dalawang anak si jasmine and Anne. pero si Jasmine lang yung kasama nya dahil nasa ibang bansa daw si anne at nag-aaral. His Ex-Husband Tito james eh meron na ding bagong pamilya pero sinusuportahan pa din naman sila.

How i wish ganun si dad, na kahit papaano di nakakalimutang pamilya nya rin kame. like tito james na kahit may iba na syang pamilya hindi nya hinahayaang mawalan sya ng oras para kay anne and jasmine. Malala pa nga kay tito james kasi 2 Family's ang involved, eh si dad kame lang naman ni mom well siguro nga mas mahal nya yung FARM nya kesa sa amin..... mas pamilya nya yung pinakamamahal nyang FARM! Damn it! eeerrk.!

Napabuntong hininga na lang ako.

"haaaaaaaayyyyyy..."

Mahaba-haba pa naman ata ang byahe kase sa Tagaytay ang bahay ni Dad. Ang lakas talaga ng loob na papuntahin pa ako dito. Grr!

"A SUMMER LOVE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon