Sa panahon ngayon, gasgas na ba ang ma-in love sa best friend mo? Always the best friend but never the lover ba ang peg mo?
Welcome to the Friendzoned Capital.
Kung saan naiintindihan namin ang kaso mo. Gets ka namin. At one point in our lives 'di maiiwasang mapadaan tayo dito, parang NLEX lang kasi.
Sa lahat ng love stories, hindi nawawala ‘yan. Madalas, mas madali kasing mainlove sa taong malapit sa’yo dahil tiwala ka sa kanya, mas kilala mo higit sa iba, pero siyempre malaki-laki rin ang magiging sakripisyo sa ganitong sitwasyon.
Lalo na kapag ONE-SIDED at LOVING FROM AFAR ito.
Mala-Tear Drops On My Guitar kumbaga.
PERO, kahit na mas masakit MAS masarap din naman ang feeling kapag mutual ang pagtingin. Ika nga ni Jason Mraz, “Lucky to be in love with my best friend…”
LOVE over FRIENDSHIP? O maging kasiraan ba ito sa pagkakaibigang pinagkakaingatan?
Tunghayan natin ang iba’t ibang mukha at panig ng mga maiikling kwento tungkol sa pag-ibig sa isang kaibigan.
A compilation of one-shots. I hope you like them. Para ito sa mga nilalang na nayurak ang puso sa dilemmang ito (Cheers, may bukas pa para sa atin), sa mga tagumpay sa love life (the brave souls that made it out of the F-zone) at sa mga hindi pa desidido at nagpapaka-torpe.
Pasubali: Ang lahat ng pangalan ng tao, lugar at bagay na mababanggit sa mga kuwento ay pawang kathang isip lamang at anumang pagkakahalintulad ng mga ito sa totoong buhay ay sadyang nagkataon na malapit lang sa katotohanan.