Marie’s POV
Dear Diary,
Hindi ko alam kung kalian bumalik ang feelings ko para sa kanya pero naramdaman ko na lang na meron na uli. >__<
Dati ko na siyang crush mga bata palang kami. Matagal ko na siyang kabarkada at kinikilala niya akong “ate”. Nakakahiya man aminin pero nagkagusto ako sa mas bata sa akin. T__T
Tatlong taon lang naman ang pagitan namin at sabi nga ng iba minsan ay mas matanda pa siya umasta kesa sa akin. May pagka-isip bata kasi ako. Nyahaha.
Malambing kasi siya, thoughtful at kahit anong gawin niya ay napapatawa ako, pero habang nagdadalaga at nagbibinata kami dumadalas ang inis ko sa kanya.
Marahil na rin sa madalas na siyang nawawalan ng oras para sa akin at sa barkada namin. Dati siya ang pinakaclose ko, ngayon hindi ko na siya mabasa. Hays!
Ang malupit pa dito, kakabasted palang sa kanya ng nililigawan niya kamakailan lamang. At siyempre, kanino pa ba siya sasandal kundi sa aming first barkada niya? At sa akin na “ate” nga daw niya.
Pero never niya akong tinawag na “ate”. Marie, kapag nang-aasar siya at Mars naman ang karaniwan niyang tawag. Kaya naman “Pars” ang palayaw ko sa kanya.
Ano ba masasabi ko sa kanya? Hindi siya guwapo! Pero malakas ang appeal, sobrang bango. Matangkad, matipuno ang katawan at chinito. Kayumanggi lang siya. May mga bakas ng tigyawat ngunit may pagkatangos ang ilong. Ang masasabi kong pinakagusto ko sa lahat ay ang kanyang makapal na kilay! At ang ngiti niyang nakakaloko. Killer smile para sa akin ‘yon. Average lang siya kung titingnan niyo.
Sa estado naman sa buhay, hindi siya isang prinsipe. May-kaya ang kanyang pamilya at may munting negosyo. Scholar siya sa isang unibersidad ng mga mayayaman ngunit marahil ay wala sa kanyang itsura. Simple lang siya at may pagka-arte sa damit minsan.
Siguro kaya ko rin siya nagustuhan ay dahil na rin sa pagiging makulit niya. Prankster siya at pala-biro. Kwelang nakakainis ika nga ng iba naming mga kaibigan.
Ano ba ‘yan puro siya na lang nakaka-umay na! Haha.
Pero alam mo ba diary, ikaw at halos lahat ng mga kaibigan namin alam na gusto ko siya. Napaka-manhid niya lang talaga na hindi niya mapansin iyon.
Katulad na lang noong…
Ay teka, next time ko na lang ikukwento. Nandito na ata siya sa bahay. Nagpapasama kasi siya bumili ng damit. Mamaya na lang uli!
Love,
Marie
“Mars?” naka-tatlong beses siya ng tawag sa pangalan ko bago niya binuksan ang pinto ng kwarto ko. Tamang tama at kakatago ko palang ng diary ko.
“Uy!” Bati ko sa kanya.
“Arte, kala mo naman nagbibihis.” Umupo siya sa dulo ng kama ko.
“Ang aga mo naman dumating? Sabi mo 3! 2:30 palang e!” depensa ko sa kanya.
“Kilala kita. Baka mamaya ma-late na naman tayo, 4 or 5 na tayo makaalis dito sa bahay niyo.” Tiningnan niya ang itsura ko. “Teka, ikaw ba naligo na?”
Napatahimik ako. “Ah eh… Di pa” :D
“Tamo! Maligo ka na! Kundi pa ako dumating, baka pagsapit ng alas tres dun ka palang maliligo!” Hinila niya ako patayo at hinatak ang tuwalya ko na nakasabit sa upuan ko. Inaabot niyo ito sa akin at tinutulak patungo sa pinto.
“Dapat sa loob ng 5 mins. Tapos ka na!” Demanding masyado e no?
“Oo na boss!” at nagtungo na ako sa banyp.