Chapter 11

1.7K 55 14
                                    

Anschel's POV    1:34 pm

"I'm starting to be convinced that her nickname should be 'sleeping beauty' , she's always sleeping when I see her!"

"Stephen! Hinaan mo nga boses mo, baka mapalabas tayong infirmary eh"

'Stephen? Carly? Sila ba ung naririnig ko?'

"What? I'm just stating my opinion"

"Hey-!"

"You're both noisy, and I think Anschels' awake" 'hmm, si Logan ba un?'

Pinilit kong buksan ang mga mata ko, pero dahil sa medyo maliwanag ay kinailangan ko muna ng ilang Segundo para makita kung nasaan ako

'Puting kisame, Puting kurtina, puting bedsheets.. Infirmary nga 'to'

"Anschel? Kamusta pakiramdam mo? " biglang sumulpot si Gino sa linya ng paningin ko

" *cough* okay naman" tinignan ko ang mga kaklase nyang nakatambay sa paanan ng higaan ko "Hello guys"

"Hello Anschel!" "Hey sleeping beauty" "Hi"

Hinarap ko ulit si Gino "Gaano na ako katagal dito?"

"Kalahating araw" sabi nang boses galing sa may pintuan

"Sir Reigan" sabi ni Gino at umatrass muna para makalapit si Kuya Reigan saakin at umupo sa upuang katabi ng higaan. Kasama sila Carly, Stephen, at Logan ay Lumabas muna ng kwarto

"Congratulations for a job well done, but unfortunately, that will be the only mission you're allowed until further notice" medyo deadpan ang pagkakasabi non "hanggang sa masisiguradong nasa maayos na kondisyon ka na ay pinagbabawalan kang lumabas ng Campus"

Medyo gulat akong napatingin kay Kuya Reigan "Pero-"

"Medyo pinakaba mo kami roon Anschel, at napagkasunduan naming ni Head Master na mas mabuti munang pagpahingahin ka dito sa loob ng Academy"

'huh? Ganito ba ang feeling ng grounded?' tanong ko sa sarili ko

Pero parang tinanong ko naman un ng malakas at hindi sa isip lang

Medyo napangiti si Kuya Reigan "Oo, kug gusto mong isipin na ganoon. Grounded ka for at least 2 weeks"

"Aa, okay.. sorry Kuya, kung pinakaba ko kayo ni Uncle" medyo payukong sabi ko

Inabot naman ni Kuya Reigan ang ulo ko saka ginulo ang buhok ko "Basta sa susunod, hinay-hinay lang ha"

"Opo" pagkataposkong sabihin iyon ay bigla naming kumulog ang tyan ko

Napatawa nalang si Kuya "Osige, " sabi nya at tumayo na sa pagkaka upo "Mukhang nagpaparamdam na yang tyan mo, sabagay, simula noong kinagabihan ay hindi ka pa kumakain. Humigaa ka muna at kukuha ako ng makakain mo sa Cafeteria."

Pagkatapos nun ay sya narin ang umalis at dumiretso sa pinto

Nang maiwan ako mag isa ay ginamit ko ang oras nay un para magi sip

'Ano nga bang nangyari pagkatapos naming magteleport?'

***********

Ilang minuto lang ang nakalipas at bumalik na si Kuya Reigan na may dala-dalang tray ng pagkain. Bago pa man ako kumain ay tinanong ko na kung anong nangyari saamin ni Gino at sino ang nakahanap saamin para maipuntang infirmary

Habang kumakain ako, nagkwento si Kuya Reigan kung paano kami nahanap ni Rachel at Master Emiko, na hindi ko pa nakikilala at Mentor ng klase ni Rachel. Na base sa hinala nila, dahil sa sobrang pagod namin ni Gino at dahil medyo malayo ang destinasyon na pinangalingan naming, masyadong naghugot ng enerhiya ang Teleportation Circle na Ginamit, kaya naman, bago pa kami makarating sa Teleportation room ng CrystalAcademy ay parehas na kaming nawalan ng malay. Mabuti nalang daw at hindikami naipatapon sa kung saan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

World of Magic: Crystal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon