Tigil

23 1 1
                                    

Di ko matandaan kung iilang beses ko nang narinig ang katagang ito. Hindi ko na matandaan ang mga taong nagsabi sakin netong katagang ito. Basta ang alam ko, huli na nang ako'y tumigil.

Nasa ika-walong baitang na ako noon sa Mataas na Paaralan ng Metropolis, at tanda ko pa ang mga pinanggagawa ko noon sa aking naturingang "crush".

"Hindi mo ba talaga ako magugustuhan?" Tanong ko pang muli sa kanya. Umiling lang siya at binigyan ako ng ngiti.

"Sobrang bata mo pa Emma, parang wala naman akong aral at papatulan kita." Yang linyang yan ang lagi niyang sinasabi sakin. Kasalanan ko bang na-inlove ako sa kanya, na labin-walong gulang na at alumni sa paaralan ko? Hindi naman diba? Nagising nalang ako na mahal ko na siya pero iniisip nya'y inafatuated lang daw ako. Nakakainis na nga minsan eh, pero hindi! Hindi ako titigil!

"Ang sabihin mo, hindi ako ang tipo mo sa ibang babae, no' Adrian?" Nakalabi kong ungot sa kanya. Napatawa lang sya at ginulo ang buhok ko, na inayos ko pa naman para lang sa kanya.

"Maganda ka Emma. Pero bata ka pa talaga. Tsaka hindi ka ba nahihiya? Akala nila ikaw ang lagi kong binibisita dito, na ang totoo ay ang Mama ko lang naman ang pinupuntahan ko dito." Tama nga naman siya. Akala din ng iba ako ang pinupuntahan nya dito eh hindi naman talaga, yung Mama nya kasi ang Principal dito sa paaralan.

"Pabayaan mo na sila kung ano man ang isipin nila Adrian!" Inis kong usal.

"I told you, tawagin mo akong Kuya Adrian. Ang tigas talaga ng ulo mo, Emma." Inirapan ko na lamang siya at kinuha na ang bag kong may design pa na spongebob.

"Ewan ko sayo Adrian. Basta, hindi pa rin kita titigilan. Bye mahal ko!" Nag-flying kiss pa ako sa kanya nun.

Iba na talaga ang mga nagagawa ng nagmamahal, nagiging tanga at assumera. At hanggang ngayon, tumatak pa rin sa isip ko ang sinabi ng kaibigan kong si Alyzza.

"Hindi ko alam bes at kung bakit ka nagpapakatanga dyan sa Adrian na yan? Napapansin ba nya ang efforts mo? Hindi dba? Naniniwala ba siyang baliw na baliw ka sa kanya? Hindi rin dba? Ang problema kasi sayo bes, alam mong ni-katiting ay wala kang pag-asa, umaasa ka pa rin!" Totoo, sapul ako, tagos na kung tagos. Tunay naman ang lahat ng sinabi ni Alyzza eh.

"Pero bes! Nasasabi mo lang yan kasi hindi ka pa nagmamahal! Hindi ako titigil bes! Kahit dito man lang sa larangan ng pag-ibig ay i-support mo ako!" Matigas nga talaga ang ulo ko, manhid pa ang puso ko.

"Bes, panghuli na to', sige na nga. Basta ba binalaan na kitang masasaktan ka lang sa love love na yan." Niyakap ko nalang si Alyzza at ngumiting matagumpay.

Hindi talaga ako tumigil sa mga oras na yun, patuloy ko pa ring pinaparamdam kay Adrian kung gaano ko siya kamahal.

Pinaparamdam ko sa kanya na hindi ako infatuated at talagang pag-ibig na ang nararamdaman ko para sa kanya. Pilit kong inilalahad ang mundo ko kay Adrian, subalit si Adrian mismo ay ayaw tanggapin ang mundo ko, ayaw niyang pumasok sa mundo ko.

Iniintindi ko lang ang pagbabago ng kanyang ugali. Na imbes noon ay napaka-sweet pa niya sakin, isang araw bigla nalang siyang lumamig. Yung parang, parang wala lang ako sa kanya. O meron nga ba?

"Please lang Emma! Tigilan mo na ako pwede?! Hindi ka ba nagsasawa sa mga pinanggagawa mo?! Hindi ka ba nahihiya?! Babae ka diba? Wala ka man lang bang hiya sa katawan mo?" Literal lang akong natahimik sa sinabi nya. Iniyuko ko lang ang aking ulo, habang unti-unti nang rumagasa ang mga luhang nagbabadya na simula nung lumamig na siya sa akin.

"Nakakairita na Emma eh! Dahil sayo, galit ngayon sakin ang bestfriend ko! Panghuli! Wag na wag ka nang lalapit sa akin! Nakakadiri ka, isang bata, pumapatol sa matanda? Desperada ka na ba talaga?" Gusto ko mang magsalita, o kundi ay sampalin siya, hindi ko na nagawa. Nawalan na ako ng lakas sa aking katawan.

Pero alam nyo, sabi ko pa rin sa sarili ko na baka pag okay na sila ng bestfriend nya, okay na rin siyang makitungo sa akin. Ngunit, hindi pala. Mas lalong lumala, at ang pinakamalala ay sinugod ako ng bestfriend nyang si Bianca at dinuro ako sa mukha.

"Babaeng malandi! Ke-bata mo pa at desperada ka na? Sa lahat pa talaga ng lalaking lalandiin mo, bestfriend ko pa! Wow huh! Nahiya naman ako sayo! Ako nga na matagal na niyang kasama eh hindi siya nilalandi, pero ikaw? 3 years pa lang, matagal na sayo? At kinakalantari mo na?!" At sa ikalawang pagkakataon, natahimik akong muli. Tinanaw ko si Bianca na inaalo ni Adrian, at si Adrian na matalim ang tingin sa akin. Gusto ko mang sabihin na wala akong kasalanan, parang hindi ko kayang magsalita.

"Pa..paumanhin." Yun lang ang nasabi ko, tumakbo na kaagad ako habang umiiyak. Hindi ko na alintana ang langit na nakisabay ata sa kalungkutang nadadama ko, at hindi ko na alintana ang mga nangyayari noon sa paligid ko.

Ang alam ko lang, narating ko ang bahay ng bestfriend kong si Alyzza. Agad nya akong pinagbuksan ng pinto, at dun, sa kauna-unahang pagkakataon, ang isang Emma Monteclaro, nakaranas na rin ng isang heartbreaking scene.

"Tingnan mo diba? Sinabihan na kita sa magiging kinalabasan niyang nararamdaman mo bes. Sinabihan na kita na ikaw lang ang masasaktan sa huli. Na ikaw ang magiging kawawa. Tama no'? Sa susunod kasi bes, sundin mo kung ano ang sasabihin ko sayo. Pag sinabi kong itigil mo na ang kahibangan mong yan, itigil mo na." Hinaplos lang ni Alyzza ang aking buhok at binigyan ako ng ngiting nagsasabing, babangon ka!

Simula nung araw na yun, iniba ko ang pamumuhay ko. Nag-concentrate na ako sa aking pag-aaral at isa na akong ganap na Manager ngayon sa isang 5-Star Hotel na pamana ng aking mga magulang na pumanaw noong 12 araw pagka-graduate ko ng kolehiyo.

Naaalala ko pa ang pag-kompronta ko kay Adrian at Bianca. "Sorry sa inyong dalawa. Sorry kasi nasira ko kung ano man kayo. Huwag kayong mag-alala at hindi na ako magpapakita, lalo na sayo Adrian. Sana'y maging ok na tayo." Niyakap ako nun ni Adrian at paulit-ulit na bumubulong ng 'sorry'. Pero si Bianca ay inirapan lang ako. Talagang galit siya sa akin. Binalewala ko nalang iyun at pinagpatuloy ang mga pangarap ko sa buhay.

Kaakibat ko sa pag-move on ay si Alyzza, at ang Panginoon. Ginabayan nya ako sa mga araw, buwan, at taon ng aking paghihinagpis kay Adrian. Gimabayan nya ako upang maipagpatuloy ko kung ano man ang gusto kong gawin sa buhay.

Na-realize kong hindi man naging masaya ang nangyari sa amin ni Adrian, at least ay naging okay na sila ni Bianca, na galit pa rin sa akin. Pero feeling ko na baka ganun lang talaga si Bianca sa ibang mga babae na binibigyang pansin ni Adrian.

Napabalik ako sa mundo nang biglang may kumalabit sa akin. "Tigil na sa pag-iisip ng nakaraan bes. Matatawa ka lang sa katangahan mo."

"Ang feeling mo pa rin Alyzza, the love expert." Ganti ko sa kanya.

"Pag sinabi kong tigil.." Simula nya...

"Titigilan ko na." Pagtapos ko sa sasabihin nya. Nagtawanan lang kaming dalawa at napag-desisyonang kumain sa McDo.

Habang nag-oorder ako, may natapakan akong sapatos sa likod ko. Paglingon ko..

"A..ano sorry!" Paumanhin ko kaagad sa ewan ko ba anong breed tong lalaking toh.

"No problem Missy. Anyway, its your turn." Nginuso nya ang counter kaya humarap muna ako para mag-order. Nag-order rin ako ng paborito kong french fries, pero dalawa ang binili ko.

"Its my favorite. Uh, just for an apology a while ago." Nag-peace sign pa ako na nagpatawa sa kanya.

"Is this coincidence, or we're just really meant to be? I love fries you know." Tumawa nalang ako at di ko namalayang habang nagtatawanan kaming dalawa, nakapasok na siya sa mundo ko.

Pinasok nya ang utak ko, at dahil lampa siya, nadapa siya sa puso ko at hindi na nakatayo. Kinulong ko na kasi.

Hindi man kami ni Adrian ang nagkatuluyan, meron naman akong nagsisimula pang panibagong pag-ibig ngayon, at sisiguraduhin kong titigil kaagad ako pag masasaktan ako at maghahanap ng lalaking aalagaan ako, hindi ako sasaktan at mamahalin ako ng tunay.

Ako nga pala si Emma Monteclaro, isang babaeng ayaw tumigil nung una pero tumigil lang nung nasaktan na, ngunit bumangon ako para patunayan na hindi sa lahat ng pagkakataon, ako ang nasasaktan at naiiwan.

Sa paaralan man nagsimula ang lahat, pwede namang ibahin ang tadhana at dun na sa isang fast food chain nagsimulang umusbong ang aking panibagong pag-ibig.

~~~~~~~~FINISH~~~~~~~~

TigilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon