Suicide 1: Nine Lives of Catwoman

120 11 17
                                    

>>>Nine Lives of Catwoman<<<

Dedicated to: DarkPrinces05

Salamat sa pagsupport ikaw ang unang nagvote and nag iwan ng comment.. I appreciate your effort ت

------------------------------------




"lumapit ka anak, hawakan mo ang kamay namin.."sabi ng mama at papa ko.

Namiss ko sila! Antagal ng panahon na hinintay ko tong araw na to. Hindi ako makapaniwala na nasa harap ko na sila ngayon.

Clear!

Lumapit na ako sa kanila. Kukunin ko na ang kamay nila nang biglang lumabo ang lahat.

Nakakita ako ng isang nakakasilaw na puting liwanag.

1.. 2.. 3.. Clear!

Unti-unting lumilinaw ang lahat. May naaaninag akong tao, teka tao ba ito? Puti ang ulo nya at green ang katawan. Ano to alien? May alien din pala sa impyerno.

Good we did it! Success!

Pumikit nalang ako. Sawa na ako magisip at mamroblema, sawang sawa na.


***


Pagdilat ko lahat ng nakita ko ay puti. Teka nasa langit na ba ako? Pero masama ang magpakamatay diba kaya dapat nasa impyerno ako.

Napatingin ako sa sarili ko. Ang daming hose na nakadikit meron din sa ilong ko. Ano to tagahigop ng kulangot?

Inalis ko ang lahat ng yun. Nagpalit ako ng damit at lumabas ng kwarto at naglakad palabas. Tama nga nasa ospital ako.

"Miss mahina pa po ang katawan nyo kelangan nyo pa po magpahinga" sabi ng nurse

"ano ba pabayaan nyo nga ako!"

"pero mis-"

"WALA AKONG PAMBAYAD OKAY!"

Hinayaan nalang nya ako. Mukha talaga silang pera. Mabuti nga wala nalang talaga akong pambayad para hinayaan nalang nila akong mamatay. 

Sayang dapat pinaglalamayan na ako ngayon e. Dapat patay na ako. Ilang beses na ako nagcommit ng suicide pero hindi parin ako namamatay.

Sinaksak ko na ang sarili ko..

Nabaril ng riding in thandem..

Nalaglag sa hagdan..

Nasuffocate sa elevator..

Inatake ng allergy..

Uminom ng mga lason..

Nilunod ang sarili..

Itinali ang leeg sa kisame..

Sinagasaan ng kotse..

Lahat ng yun nagawa ko na pero eto ako ngayon, Buhay pa! Pusa ata ako at may siyam akong buhay.

Nung sinaksak ko sarili ko, may nagsugod agad sakin sa ospital.

Nung binaril ako, ewan ko kung pano ako nakaligtas.

Nung nalaglag sa hagdan, nagkainjuries lang ako.

Sa elevator naman, may ginawa lang sila nakahinga na ako.

Suicide (Short Story)Where stories live. Discover now