Huling pa-Canton
Nag-iimagine lang ba ako? Pero boses talaga ng girlfriend ko ang naririnig ko.
"Babe, magsalita ka. Ikaw ba 'yong nagsasalita?"
May kaba sa dibdib ko habang ako ay nagsasalita. Baka mamaya'y multo ang naririnig ko. Takot pa naman ako sa multo.
"Oo, babe."
Pagtingin ko sa girlfriend ko, nakadilat siya at nakangiti.
"Nag-alala ka ba?" tanong niya.
"Oo! Pinakaba mo ako!"
Hindi ko namamalayan, tumulo na pala ang luha ko.
"Iyakin ka talaga, babe."
Pinunasan ko ang luha ko at niyakap ko ng mahigpit ang girlfriend ko.
"Huwag mo na uulitin 'yon, babe ah?"
Tumawa siya, "Tanga ka ba, babe? Sa sobrang kiliti mo sa akin, nawalan ako ng malay. Aksidente ang nangyaring iyon." Wika nito.
"Bakit dati?"
"Dati 'yon, babe!"
"O, huwag ka na magalit. Pumapangit ka tuloy."
"Talaga babe?"
"Oo babe."
Inalalayan kong tumayo ang girlfriend ko, at pinaupo siya sa higaan namin.
"Basta, babe. Tandaan mo. Anuman ang mangyari, hindi kita iiwan. Nandito lang ako. Mamahalin, iingatan at aalagaan kita."
"Ang drama mo, babe!" sabay hampas nito sa braso ko.
"Seryoso ako, babe."
Napansin niya siguro na sincere talaga ako sa mga sinasabi ko.
"Mahal din kita, babe. Aalagaan at iingatan din kita, anuman ang mangyari."
Ilang sandali pa'y nagdikit ang aming mga labi. Animo'y huminto ang oras sa paligid naming dalawa.
"Mahal na mahal kita, babe!"
Unang nagsabi ang girlfriend ko.
"Mas mahal na mahal kita, babe."
Inihiga ko siya sa higaan at nagtalukbong kami ng kumot.
"Babe..." pambibitin ko.
"Ano 'yon, babe?" tanong niya.
"Pwede ba?"
"Kung ano man 'yan. Pwede, babe."
"Talaga?" paninigurado ko.
"Oo, babe."
Hinalikan ko muna siya sa labi -- bago ako magpatuloy.
"Pa-canton ka naman, babe."
Dali-dali niyang hinubad ang damit at short na suot niya.
"Bakit ka naghuhubad?" tanong ko.
"Sabi mo, pa-canton ako?" tanong niya.
"Oo nga, babe."
"O, heto na. Cantonin mo na ako!" sabay dagan ng girlfriend ko sa akin.
"Ano ka ba, babe! Nagugutom na ako. Baka pwede na magluto ka ng canton? Inubos mo kasi eh."
Tinulak niya ako at tinanggal nito ang kumot na itinaklob ko.
"Bakit mo ako pinasunod dito?"
"Para dito tayo kumain. Gusto ko kasi manood ng movie -- habang kumakain ng canton."
Bumuntong-hininga ang girlfriend ko.
"Magbihis ka na, babe. Baka magkasakit ka."
Agad na nagbihis ito.
"Napaka mo!" Narinig kong singhal niya.
"May sinasabi ka, babe?" pagkukunwaring tanong ko.
"May narinig ka?" Nakabusangot na tanong nito.
"Opo," magalang kong sagot.
"Narinig mo naman pala, eh!"
Ramdam ko ang inis niya sa nangyari.
"Galit ka ba, babe?" tanong ko.
"AKO GALIT? HINDI AH! AT BAKIT NAMAN AKO MAGAGALIT? MAY GINAWA KA BA? WALA NAMAN DBA? AY, OO NGA PALA. PINAGLULUTO MO PALA AKO NG CANTON."
Pagkabihis niya, tumayo siya sa kama at padabog na lumabas ng kwarto.
After one hour...
"Babe, ang tagal mo naman magluto." Nakangiti kong salubong sa kanya.
"PINAKULUAN KO PA ANG CANTON, BABE! SA SOBRANG TIGAS, INABOT NG ISANG ORAS ANG PAGPAPALAMBOT KO!"
Nakabusangot nitong inilapag ang nilutong canton sa higaan namin.
"Salamat, babe," sabay talikod niya sa akin.
"Mabulunan ka sana!"
Nagkunwari akong nabulunan.
"Babe, okay ka lang?"
Hindi ako susumagot. Kunwari'y nanghihingi ako ng tubig. Ngunit, halik ang ibinigay niya sa akin. Ang sarap!
Itinabi ko ang canton na nasa plato, at sa hindi sinasadyang pangyayari. Nahulog sa sahig ang canton.
"Sayang." Wika ko sa aking isipan. Ngunit, mas lalo akong manghihinayang kung palalampasin ko ang gusto ng girlfriend ko.
Inihiga niya ako sa kama, "Babe..."
At doon nagsimula nang umikot apoy sa aming katawan. Habang kinakain sa sahig ang canton na walang kapares sa anghang.
"Ang sarap ng canton mo, babe!" Sambit ko.
Katapusan.
Salamat po sa pagbabasa!