Stupid For You (One Shot)

53 0 0
                                    

 COPYRIGHT © 2013

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the prior written permission of the owner, except where permitted by law.

----

“Cici, ready ka na?” tanong sa akin ni Kyle, ang bassist ng banda naming One-Four Rockers.

Magpeperform nga pala kami ngayon sa alma mater namin noong high school. Valentine’s day Fair kasi at inimbitahan kami ng Principal.

“Wag kang sasablay, sige ka wala kang regalo sa birthday mo.” Sabi naman ni Kuya Jerome na drummer namin.

Tumigil naman ako sa pagaayos ng sarili ko.

“Aba wag kang ganyan, taga kanta lang ako, eh ikaw, pag sumablay ka, sasabay kami sa sablay mo. Sayo kami nakasalalay, KUYA GERONIMO.” asar ko naman sa kanya.

“Hahaha! Hanggang ngayon natatawa pa din ako sa pangalan mo Jerome.” Tawang-tawa na sabi ni Ryan. Siya yung pianist namin.

Nangasim naman yung mukha ni Kuya Jer dahil sa tawag ko sa kanya. Haha, eh iyon kasi ang totoong pangalan niya. Hilong hilo talaga siguro yung nanay niya nung ipinanganak siya.

Kuya ang tawag ko sa kanya, kasi siya ang pinakabata sa amin. Haha! Gets?

“Shh! Diba sinabi ko wag mo akong tatawagin sa totoo kong pangalan? Nababawasan ang pogi points ko sa mga girls!” sinabi niya habang nanlalaki yung butas ng ilong niya. Nakakatawa talaga yung mukha niya.

“Ako lang naman ang babae dito sa likod ng stage, kaya, ok lang yan, pwede mo nang paliitin yung laki ng butas ng ilong mo, Kuya Jerome.” Sabi ko habang pinipilit kong hindi tumawa.

“Aba ikaw talaga, hmp! Kukurutin kita sa—“

“Saan?”

Nagulat naman ako nang may magsalita sa likod ko. Si Miko.

 Tumaas  yung mga balahibo ko sa leeg dahil ang lapit niya sa akin.

Lumakas din ang kabog sa dibdib ko.

“Oh, Miko, san ka ba galing? Kanina ka pa nanawala?” tanong ni Ryan.

“Ah, nag-cr lang.” sagot niya pagtapos niyang kunin yung gitara niya.

“Ba't ang tagal naman ata? Hahaha!” si Kuya Jerome iyon.

Ako naman, para akong naistatwa. Hindi ako makaget-over sa nangyari kanina.

“Cici? Tara na?” sabi ni Kuya Jerome, habang si Miko, nakatitig lang sa akin.

Pero bigla siyang ngumiti.

Lalo atang lumakas yung kabog sa dibdib ko.

May gusto kasi ako sa kanya, at gustung gusto ko siya, pero hindi niya alam iyon.

Bago kasi mabuo yung banda namin, magkakakilala na kami ni Kuya Jer, Kyle at Ryan noong high school pa lang. Magkakaiba nga lang ng section, at si Kuya Jer naman, ahead sa amin.

Noong nagcollege kami, gumawa kami ng banda pero kulang ng guitarist.

May kakilala naman si Ryan, at si Miko iyon.

Pinakilala niya si Miko sa amin. Noong una nga parang hindi pa kami magkasundo kasi ang sungit niya, pero habang tumatagal at lagi kaming nagsasama sa mga gigs, nakilala ko siya at napalapit ako sa kanya.

Stupid For You (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon