Sa isang bayan ng ligatik sa kanlurang bahagi ng asia may isang baryo nakung saan payapa ang lahat na nakatira,ngunit sa isang baryo mayroon talagang mangingibabaw sa lahat.Ang pamilyang Ramztar,masayang namumuhay ang mga tagadoon.Sa tuwing ika-9 ng Oktubre,may paligsahan na nagaganap,ang paligsahan ng mga salamangkero.Sa taon ding ito ang pamilyang Ramztar ang palaging nangunguna.Sabi nga nila pag may nangunguna may pangalawa,Ang pamilyang Draco,ganid at malupit na pamilya,ni rerespeto ng lahat di dahil silay mayaman kundi silay makapangyarihan.Lahat ng tao ay takot sa kanilang kapangyarihan sa kadahilanang hawak nila ang isang medalyon,"ANG MEDALYON NG SUMPA"ito ay may kakayahang lagyan ng sumpa ang sinumang sumuway sa utos ng may hawak nito,at may isa pang kakayahan ang pamilyang draco,isa ito sa mga sagradong mahika,"ANG DARK MAGIC" kung sinuman ang mangahas na kalabanin ang pamilya,lahat sila ay mawawalan ng hininga.Ang pamilyang Ramztar,semple at mapagkumbaba,may kambal silang anak isang babae at lalaki.Si Diego at Sarian,si Diego ay matulungin at masipag gayundin si Sarian.
Ngunit isang araw habang tahimik ang lahat,mapayapang natutulog ang mga taga baryo,nilusob sila ng mga kawal galing sa silangang bahagi ng asia na pinamumunuan ni Heneral Cheng.Walang pinapalampas,mapa bata man o matanda,mapa alaga man o ariarian.Habang patuloy ang pang wawasak ng mga sundalo, hinarangan sila ng mag asawang Ramzta,ginamit nila ang kanilang mahika upang ang mga sundalo ni Cheng ay maubos. Ng maubos hinamon ng mag asawa ang heneral.
"talunin mo kami kung kaya mo"sabi ng dalawa
ngunit alam ng heneral na marami ng ininda ang mag asawa matapos kalabanin nila ang kanyang mga tauhan.
"wala kayong binatbat sa akin, lalong lalo na ngayong hirap na kayong tumayo"pahalakhak na sabi ng heneral
"baka takot ka lang na ika'y mapahiya"paasar na sabi ng mag asawa
"TINGNAN NATIN KUNG SINO ANG LULUHOD SA ATIN!!!!!!!!"pasigaw na sabi ng heneral
"simulan na natin!"hamon ng dalawa
ng walang ano-ano natalo ng heneral ang mag asawa ngunit ngunit sa hinding sadyang pangyayari ay may narinig ang heneral,iyak ng batang babae,sinundan nya ito at natag puan nya si Sarian (ang anak ng mag asawang Ramztar) plano nya sana itong tapusin ngunit nasagi sa isip nya na itoy kupkupin sa kadahilanang anak sya ng isa sa malakas na pamilya sa kanluran at walang ano-ano'y kinupkop nya ito.Walang kaalamalam ang heneral na may kakambal si Sarian na si Diego na nandoon sa kagubatan at nangangaso.
Pag sapit ng umaga masayang umuwi si Diego galing sa pangangaso.Ngunit ang kaligayahang iyon ay napawi ng pag aalala ng makita nya ang parte ng kagubatan ay sunog na.Nag mamadali siya sa pagtakbo patungo sa baryong sinilangan.Ngunit ang naabutan lang nya ay ang sunog na baryo na walang palatandaan kung buhay pa ba ang mga nakatira.Hinanap ni Diego ang kanyang mga magulang.
"inay, itay!!!!!saan naba kayo??!!"paiyak na sabi ni Diego
hindi nag laun nakita nya ang mga bangkay nito,nag mamadali syang tumakbo patungo sa mga bangkay.
"inay,itay sino ang may kagagagawan nito sino!!!!"pasigaw na sabi ni Diego
ngunit may napansin si Diego sa tabi,isang recorder na gawa sa bolang krystal na salamangka,napaisip si Diego kung ano ang laman ng bolang ito,ngunit nung hinawakan nya biglang nag labas ng ingay ang bola.
"tik-tik"
pagkatapos ay biglang may nag salita.
"mga anak ko,kung nabasa nyo itong minsahe,malamang wala na kami,pero gusto kong malamn nyo na merong pinakakatagong lihim ang ating pamilya.Nakikita mo ba yung susi sa likod ng bolang ito?"sabi ng recorder