Prolouge

182 7 0
                                    

Bago yung prolouge ito muna yung authors note. Gagaya lang ako sa iba since meron sila nito. (Hehehehe) ammm nagbago yung title kasi trip ko lang hahahahaha.

Kunti lang naman nagbabasa nito kaya bakit nagaksaya pa ako ng panahon isulat to? Well kagaya nga ng sabi ko trip ko lang... Wahahaha

Baliw na si author. Pero serious, bago ko kasi pinublish to dito nagtanong- tanong muna ako kung pangit. Sabi nila okay lang so go na ako! Publish na agad. Pero narealize ko nalayo ako sa plot kaya inedit ko!!!

Hihihi....

Again meron paring wrong grammars to tsaka typo tsaka ko na iiedit ng final pag tapos na!!!

------------------------------------------------------

PROLOUGE

Akala ko kapag naniwala kang magiging maganda ang kalalabasan ng lahat matutupad ito, mangyayari ito maniwala ka lang. Akala ko kapag naging positibong tao ako magiging maganda ang ending ng kwento ko, Pero hindi...

Bakit ako narito? Bakit sa kabila ng paniniwala ko andito ako? Andito ako tumatakas sa kamatayan?

Masaya maging positibo. Dahil doon natuto akong ngumiti, natutong sumama sa iba. Magkaroon ng kaibigan, at umibig muli.

Pero Bakit sa kabila ng lahat kaya ka parin pala nilang traydorin? Akala ko iba sila. Akala ko lang lahat ng iyon.

Andito ako sa madilim at malaimpyernong daan. Tumatakbo, tumatakas, naghahanap ng ligtas na lugar.

Sino pa ang tutulong sa akin? Sino?

Isang putok ng baril ang nagpatumba sa akin. Tinamaan ang hita ko. Masakit, mahapdi ngunit pinilit ko paring tumayo. Naglakad ako kahit mabagal lang, basta't makatakas ako rito. Wala nang magliligtas sa akin maliban sa sarili ko. Mali ako ng pagtitiwala muli.

Naloko na naman ako. Habang tumatakbo ako nararamdaman ko ang pag agos ng dugo mula sa hita ko. Kasabay nito ang walang humpay na buhos ng aking luha.

Diyos ko gisingin mo na ako sa bangungot na to.

Sana nga lang panaginip lang ... Isang masamang panaginip... Na kapag malapit ka ng mamatay ay bigla kang magigising.

Takbo. Yan lang ang nasa isip ko.

Putok ng baril... Napakarami... Pero salamat dahil isa lang ang tumama sa akin.

Tumawa ako ng napakalakas at tumigil sa pag takbo.

Bakit pa nga ba ako umuusad? Bakit?

Hinarap ko sila upang masilayan ko ang mga mukha nila. Mga mukhang kahit kailan ay di ko malilimutan.

Tumawa pa ako ng napakalakas isang malademonyong tawa upang ikubli ang kahinaan na nanahan ngayon sa puso't kaluluwa ko.

Isa pang putok ng baril ang narinig ko kasabay noon ang pagbagsak ko ng tuluyan. Tinaman ako.

Malamig na simoy ng hangin....

Napakasariwa....

Nararamdaman ko ang mahinang pag hampas ng damuhan sa aking mukha...

Nakakita ako ng liwanag, maganda ba doon? Inangat ko and aking kamay at inabot iyon .....

Ngunit.....

Unti unti itong naglaho dumilim ang paligid

Napapikit na lamang ako.

Ramdam ko pa rin ang hangin.. ngunit para akong nakalutang sa kawalan

Nakakamangha ang mundo...

Sa gantong paraan ko pala mararanasan ang kapayapan na hinahanap ko, Parang habang buhay ko ng gustong magpa-alipin dito.... Para akong bagong silang...

Ayaw ko ng magising sana habang buhay na lang ako dito.

-----------

Hi!! Minna!!!

First story ko po ito sa wattpad please support poh.....:)

Plagiarism is a crime!!!

Genre: mystery/thriller

HIDE: Class 4-DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon