Farewell

98 7 3
                                    

A/N:

(Maraming typo at grammar errors tong story na ito.)

--------------------------

Kent's POV

"Alam naman natin na ang utak ang pinaka importanteng parte ng ating katawan. Kung ihahalintulad natin ang utak sa computer,

brain serves as the CPU....."

*yawn*

boring talaga ng klaseng to.

Tiningnan ko silang lahat... Paano sila nakakatagal Kay sir ng ganyan?!

*yawn*

Nilingon ko na lang ang bintana. napatingin ako sa puno. Ginaganahan pa akong makipagtitigan sa puno kaysa makinig Kay sir.

Hayss.

Ano yun?!

Pinikit pikit ko ang aking mata wala naman.baka guni guni ko lang.

"Mr. Lawrence!!!!"

"Mr. Kent Lawrence I said recite page 290!!!"

"So-rr-y Sir James..." Napahiya Kong sabat.

Tumalima na lang ako sa pinagagawa ni Sir James..

" ....while the CNS serves as the main processing center." At umupo na ako.

"Next time wag ka mag daydream sa class ko Kent! Kung iniisip mo lang naman ang crush mo  you'd better tell her as soon as possible maunahan ka pa ng iba" sabi Ni mr James na tila ba nang aasar.

Kasabay nun ang tawanan ng lahat.

Hay...... napahiya tuloy ako

.

.

.

.

"Yan napagalitan ka tuloy!! ano ba kasi nangyari sayo kanina pa kaya tawag ng tawag si sir sa pangalan mo nakatulala ka lang. Nakahigh ka ba??" Tanong sakin Ni Leila Sabay hagalpak ng tawa.

Leila Perez and best friend ko slash crush... Hahaha nakakahiya sa kanya ang nangyari kanina.

Lunch break namin ngayon. Nasa canteen kami. Napatingin ako ulit sa lumang building ng school, di ko Alam kung nakita ko ba talaga yun kanina o guniguni ko lang.

Nakakita ako ng babae pero di siya mukhang multo naka uniform siya katulad namin at tumatakbo sa hallway, parang may humahabol sa kanya o siya ang may hinahabol. Di ko maintindihan medyo malayo kasi. Pero ng pumikit pikit ako kanina bigla namang nawala. Wala naman talagang kakaiba sa unang tingin mo lang pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang pulang mansta sa damit niya.

Tssss. Baka nagiisip lang ako ng kung ano.

"Hahahaha"

Hindi ko na napansin kanina pa pala ako pinupunasan ni ni Leila ng icing ng paborito niyang cupcake. Kung di pa siya tumawa di ko mapapansin ano ba nangyayari sa akin simula ng makita ko un di na ako makapag isip ng maayos.

Tiningnan ko siya ng masama Sabay pout.

"bakit mo naman yun ginawa??" Kunwaring irata Kong sabi.

" Para ka kasing tanga kanina pa ako kwento ng kwento wala palang nakikinig sakin. Hmmmf." Pa cute niya pang pagtatampo.

Wag kang ganyan lalo ko naiinlove.. Pshh..

"Pasenya na may iniisip lang kase ako." Palusot ko habang kumukuha ng tissue para ipunas sa icing sa pisngi ko.

HIDE: Class 4-DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon