Ang Aking Inspirasyon

2.2K 1 0
                                    

PROLOGUE

Magmula noong nasa sekondarya ako nagkakaroon na ako ng ''crush'' kaya dito ko naranasan ang salitang pag-ibig :). Ang gaan pala sa pakiramdam pag nakita mo araw-araw ang buhay mo<3. Ito nga ang dahilan kung bakit ako ay nagsisikap sa pag-aaral. Kaya napakahalaga talaga ang magkaroon ng isang inspirasyon sa buhay. Dahil pwede mo itong gamitin upang makamit mo ang iyong pangarap sa buhay. Kaya tunghayan niyo ang aking napakaakit na kwento. Kung paano ako nabuhay kasama ang inspirasyon ko :). Ito nga pala si Denice Airen B. Smith, taga Quezon City.

SIMULA

Araw-araw akong masaya ng dahil lang sa hamak na ''crush'' ko. Araw-araw din akong pumapasok sa paaralan namin na University of Sto. Tomas makita lang ang inspirasyon ko. May mga matalik na kaibigan pala ako at ito ay sina Patricia Monic C. Alcantara, Margarette V. Real, at si Maria Tisha D. Saga. Kami ang palaging kasama pag pinag-uusapan na ang PAG-IBIG. HAHA xD. Araw-araw kaming nag-aabang sa ''crush'' namin. ''Intense'' diba? Kaya kung may araw na hindi namin sila nakita, hindi talaga kami mapakali, PROMISE. Ayy, nakalimutan ko palang sabihin ang ''crush'' ko. Oh ito na po, siya ay si Clark Milky S. Guzman. Nasa sekondarya din siya. Hindi naman kagwapohan pero mas lumamang ang kabutihan sa puso niya. Kaya napa-ibig ako, HAHA :D ang OA ko no?? Pero okay lang iyan basta ginagamit sa wastong pamamaraan.

ANG UNANG TAGPO ( SA PAARALAN )

Pag pumasok ako sa gate, titingin agad ako sa ''waiting area'' dahil diyan ko siya makikita. At tyaka diyan din magtipon-tipon ang aking mga kaklase. Ang ingay-ingay talaga ng mga kaibigan ko kapag dumating ako dahil alam nilang may gusto ako kay Milky<3. At napansin ko na alam na niya na may gusto ako sa kanya dahil palagi siyang tumitingin sa akin. HAHA (kilig mode).

SA SILID

Hindi pala kami magkaklase, nasa ikalawa siyang seksyon. Kasi nababaliw sa larong ''COC'' kaya bumaba ang grado. ''COC'' talaga >.<, kung hindi ka dumating eh di sana magkaklase kami. Urghh!!! Pero okay lang naman. Kaya minsan kung wala ang guro namin, lalabas talaga ako kasi gusto ko siyang makita :). Haaaayyyy, hindi talaga kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya makita. At itong si Monic naman, ang babaeng chismosa sa aming magkakaibigan ay may magandang balita daw para sa akin. Kaya napangiti ako at sinabing '' ano yun'' ? Sinabi niya ng malakas ''HIWALAY NA SILA SA GIRLFRIEND NIYA'' kaya friend, may pag-asa ka na sa kanya xD. (Sabay tawa). Tumibok talaga saglit ang puso ko :) at napasigaw pa nga ako ng ''YEEESSSSS''!!! :D Lumipas ang ilang sandali, dumaaan si Milky sa silid namin. Tinawag agad ako ni Tisha para makita ko si Milky. Ayun, nakita ko nga, tatawagin ko nga sana pero hindi ko pa kaya :P.

LUMIPAS ANG ILANG BUWAN (INTRAMURALS NA)

Sumali talaga ako ng mga laro para makita niya ako. Kahit hindi ako marunong mag ''volleyball'' at ''badminton'' ginawa ko talaga ang lahat matuto lang ako sa mga larong ito. Kasi nakakahiya naman kay Milky dahil basketball player siya. Siya nga yata yung ''MVP'' sa kanila kaya dapat lang na may sinalihan din ako para mapansin niya :). Oh ''atleast'' may ginawa ako :P. Noong wala na kaming laro ai sila'y mayrron pa. Hahatidan namin sila ng maiinom at makain at syempre ako ang bibigay sa kanya :). Kahit hindi ko kaya, kinapalan ko talaga ang mukha ko. Whoooaaahhh!!! nang dahil lang sa pagkain, nahawakan ko kamay niya xD sobrang saya ko. MY GOSSHH!!! Sa araw na iyon , ay ang una naming harapan :) Kinikilig talaga ako.

PAGKATAPOS NG INTRAMURALS

Wala nang laro pokus na naman sa leksyon, pokus na naman sa kanya, HAHA xD Joke lang.

MAKALIPAS ANG ILANG ARAW

Nakita ko si Milky at ang mga kaibigan niya na umuupo sa bandang hagdanan. At syempre doon kami dadaan dahil ang kasunod ay silid na namin. (HABANG NAGLALAKAD) may tumawag sa aking pangalan kaya napatingin agad ako , akala ko si Milky na, pero ang kaibigan pala niya na si Kim Ian. Ngumiti lang ako kasi ano kaya ang masasabi ni Milky kapag hindi ako ngumiti. Baka madiscourage siya HAHA xD.

RECESS TIME

Bumili kami ng pagkain ng mga kaibigan ko sa Mini Canteen. Ang dami talagang estudyante kaya nagsiksikan kami. Hindi ko namalayan katabi ko na pala si Milky. OMG!! kaya pala ang kinis ng balat, siya pala yun :). Kaya ang nangyari hindi ako nakabili ng pagkain dahil nahiya ako sa kanya, umalis nalang ako. Kahit gutom ako bumalik nalang ako sa silid namin, hinintay ko nalang ang mga kaibigan ko para humingi sa kanila ng pagkain xD.

AT LUMIPAS ANG ILANG BUWAN (VALENTINES DAY NA) (FEBRUARY)

Kami ng mga kaklase ko ang napag-utusang pagandahin ang ''stage''. Kaya wala kaming klase sa panahong iyon. At noong natapos na kami abalang-abala din ako kakagawa ng mga ''cards'' para sa mga guro namin at tyaka sa mga kaibigan ko. At syempre hindi mawawala ang ''love letter'' ko para kay Milky xD. Ginandahan ko talaga, hindi ako natulog. Pinagpawisan ko talaga yun. At doon ko sinulat lahat ang nararamdaman ko para sa kanya. (TOINKS :D). At noong bigayan na ng mga ''cards'', ang saya talaga dahil may natanggap din ako. Marami-rami rin, kaya naisip ko marami palang nagmamahal sa akin xD. At yung ''love letter'' na para kay Milky, hindi ko pa nabibigay dahil marami pa siyang ginagawa. Kaya ang ginawa ko, inutusan ko nalang si Ian para ibigay sa kanya. Kaya yun binigay na ni Ian. Sinilip ko lang sila xD. At alam niyo ba kung ano ang reaksyon ni Milky ? Natuwa lang siya at hinintuan niya ang kanyang ginagawa upang basahin ang laman ng card ko. My Goshh!! 0_0 Ano kaya ang masasabi niya. At may hihiramin na gamit si Ian kay Milky kaya kinuha niya kaagad ang bag ni Milky. Pero hindi binigay ni Milky. Ano kaya ang laman ng bag ni Milky. Pero pinilit parin ni Ian na kunin ang bag niya. Naghahabulan pa nga sila hanggang sa nakuha ni Ian ang bag. Binuksan kaagad ni Ian dahil hindi siya mapakali dahil alam niyang may tinatago ang kaibigan niya. At pagbukas niya may nakita siyang nakakulay pink. Tinawag niya kaagad si Milky na bakla. Sobrang tawa ni Ian HAHA xD '' Bakla ka Parts'' ? HAHAHA :D hindi ko yan alam ah,,, Nagalit si Milky , sabi niya sasapakin kita pag hindi kapa tumigil diyan. Ehhh..... ano ba yun ?? (hindi kaagad nakasagot si Milky) Ahmmm...... para kay Airen yan. Gumawa din ako kaso naunahan lang ako niya. Kaya hindi ko nalang yan ibibigay. Partz ?? may gusto ka kay Airen ?? sabi ni Milky ''oo matagal na'' uyy huwag mong sasabihin sa kanya ah. '' oo na''.

HANGGANG SA DUMATING NA ANG BUWANG BIGAYAN NA NG DIPLOMA AT ANG MAGANDA AY SALUTATORIAN AKO :)

Sa araw na ito, tinawag ako ni Milky dahil may sasabihin daw siya sa akin. Pumunta naman ako sa kanya. Eh, nagcongrats lang naman siya. Kaya nagpasalamat lang ako at umalis. Pero tinawag ulit niya ako sabi niya, may gusto ako sa'yo Denice Airen B. Smith. Ano?? Hah?? Hindi ko narinig. Kaya inulit niya talaga :). Sabi niya matagal ko na itong gustong sabihin sa'yo pero natatakot lang ako baka mabusted lang ako sa'yo. Eh teka lang, tinawag na ako ng nanay ko parang may sasabihing importante. Sandali lang hah?? (At magmula noong tinawag ako ng aking nanay, hindi na ako nakabalik sa kanya :(. Pagkakataon na sana yun. NAPAKASAYANG!! Pero okay lang may natulong naman siya sa aking buhay. Siya ang dahilan ng lahat lahat. Siya ang nagbigay ng ngiti sa aking labi. Isa siya sa mga hindi ko makakalimutan. Ang aking INSPIRASYON<3)

AT DITO PO NAGTATAPOS ANG KWENTO KO ;) SANA NAGUSTUHAN NIYO PO :)


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG AKING INSPIRASYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon