Mysterious Boyfriend

194 11 0
                                    

Kia's POV


Naglalakad ako pauwi sa bahay namin kasabay ang best friend kong si Chris. Siya ang kauna-unahan kong naging kaibigan simula nang mag-college ako. Siya ang lagi kong kasama. Si Chris Lenwill ay isang nerd at baduy pumorma pero nangunguna pagdating sa kalokohan. Sobrang kulit niya at masayang kasama.


"Oh, Kia dito na ako, ingat ka pauwi ha." Paalam ni Chris. Magkaiba kasi kami ng daan pauwi kaya hanggang dito ko lang talaga siya nakakasabay sa may poste ng ilaw.


"Sige dude. Ingat sila sayo." Nakangiti kong sabi.


"Sus! Ikaw ang mag-ingat. Alam mo naman minsan lalampa-lampa ka." Humagalpak na siya ng tawa. Hindi talaga siya nauubusan ng pang-asar sa akin. 


"Ah ganun, sapakan na lang--"


"Ah.. ano.. eto naman si Kia, hindi na mabiro. Joke lang naman yun, ikaw naman." Natatawa na lang ako kapag ganyan si Chris. Parang natatakot talaga siya sa akin. Aba dapat lang. Mas malakas kaya ako sa kanya.


Habang hinahanap ko ang cellphone ko sa bag, may biglang humarang sa akin na tatlong lalaki. Ang lalaki ng katawan nila. Naku po, wala na si Chris. Pero kahit naman nandito iyon, hindi rin ako maipagtatanggol nun. Mas lalaki pa ako dun eh.


"Miss, parang ngayon lang kita nakita. Bago ka ba dito?"


"Ah, hindi po." Pinpilit kong pakalmahin ang boses ko kahit kinakabahan na ako.


"Ngayon lang ako nakakita ng kasingganda mo, miss. Sumama ka muna sa amin ng tropa ko. Jamming tayo. Hindi ka magsisisi." Nakangising sabi ng lalaking kaharap ko. Ngingiti-ngiti lang naman iyong dalawa nyang kasama.


Grabe, ang pangit nila. Hindi naman sa panlalait pero nakakatakot talaga sila.


"Ah, hindi po ako sasama sa inyo. Paraanin nyo po ako." Mahinahon kong sabi.
"Bakit naman? Siguradong sasaya ka sa--"


"Bingi ka ba? Hindi nyo ba siya narinig? Sinabi niyang ayaw niyang sumama sa inyo."


Nagulat ako nang may biglang nagsalita. Papalapit ang isang lalaki sa direksyon namin. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nakasuot siya ng hoodie na kulay itim. Ang misteryoso ng dating niya.


"Sino ka naman? Huwag kang mangialam dito kung ayaw mong mabangasan, pogi." Maangas na sabi ng pangit na lalaki sa harap ko. Naku po, kawawa si mysterious guy kapag nagkataon. Mga maskulado itong tatlong lalaki eh.


"Ikaw miss, sumama ka na lang sa amin para di ka masaktan." Hahawakan na sana ako nung pangit na lalaki pero nagulat ako nang biglang may humila sa akin papunta sa likod niya. Naamoy ko ang likod ng misteryosong lalaki at ang bango-bango niya.


"Sabing huwag kang mangialam dito eh--" Hindi pa natatapos ang sinasabi ni pangit nang bigla na lang siyang suntukin ni mysterious guy sa mukha. Naku po, lalo siyang papangit.

Mysterious BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon