Lumang Salamin (True Ghost Story)

2.4K 46 21
                                    

Lumang Salamin

TheGoodForNothingBoy

* * * * *

Bata palang ako ay marami na akong naririnig na kwento tungkol sa iba't ibang kaganapan at kababalaghan dito sa amin. Mayroong tinatawag ng duwende, mayroon din namang nagustuhan ng lamang lupa o maligno, mayroong sinapian ng masamang espiritu, mayroon din namang nakakakita ng kakaibang nilalang tulad ng kapre, multo at kung anu-ano pang uri ng nilalang na kasama nating namumuhay dito sa mundong ibabaw.

Ikaw gusto mo bang maranasang makakita ng kakaibang nilalang?

Gusto mo bang buksan ang iyong 3rd eye?

Kung ako ang tatanungin, AYOKO.

Ayoko ng kakayahang ito.

NAKAKATAKOT.

Ako nga pala si Mayco, sa murang gulang na 7 (pito) ay nakasaksi ng hindi ko maipaliwanag na pangyayari.

Kakaibang pangyayaring hindi ko inaasahan.

Kakaibang karanasang hinding hindi ko malilimutan.

Karanasang nagbigay sakin ng takot.

Takot na muling tumingin sa...

LUMANG SALAMIN.

* * * * *

Sabi nila ang isang bagay daw na luma na o "antigo" ay punong-puno ng ala-ala ng nag-mamay-ari dito. Ito ang nagsisilbing pruweba o katibayan ng nakalipas na panahon. Ito rin ang nagpapa-alala ng mga magaganda o importanteng kaganapan sa buhay ng nag-mamay-ari dito.

Pero bakit ganon nalang ang aking nararamdaman tuwing makikita at madadaanan ang lumang salamin sa bahay ng aking Lola. Tila ba may nakabalot na kakaibang puwersa dito. Hindi katulad ng ibang lumang kasangkapan.

Bata palang ako ay nakikita ko na ang lumang salamin na iyon sa bahay ng aking Lola. Pero tuwing dadaan ako sa harap nito ay may nararamdaman akong kakaiba. Pakiramdam ko'y mayroong lihim na nakatingin o nakamasid sa akin, kahit wala namang tao sa paligid.

Sa tuwing titingin naman ako dito'y isang malabong repleksyon lang ang aking nakikita.

Marahil ay dala ng kalumaan at katandaan.

Isang tanghali, naglalaro ako sa loob ng bahay ng lola at nadaanan ko muli ang lumang salamin. Walang pinagbago. Ganon parin ito. Malabo parin ang aking repleksyon.

Aalis na sana ako ng may makitang kakaiba sa salamin.

Tinitigin ko ito.

"Parang may kung ano doon." inilapit ko pang mabuti ang aking mukha para titigan itong mabuti.

"WAAAAAAAAAAAAH!" Napahiyaw ako bigla nang may dumamping malamig na kamay sa aking balikat. Dahan dahan ko itong nilingon.

Si Lola lang pala.

"Oh, kumuha kana ng halo-halo mo doon, baka maubusan ka pa." Kaya pala malamig ang kamay ni Lola ay dahil ng gad-gad pa ito ng yelo para sa halo-halo.

"Hmmm. Wala na." sinilip ko muli ang salamin bago tuluyang lumabas at sumunod kay Lola.

---

Makalipas ang ilang araw ay naglibot muli ako sa bahay ng aking Lola.

Tulad nang dati naroon parin ang lumang salamin sa kanilang sala. Hindi ko nalang ito pinansin at nagdire-diretso patungong kusina.

Nakalampas na ako dito ng may maramdamang kakaiba.

Oo, kakaiba.

Ito rin yung naramdaman ko dati.

May kung anong pwersa ang tumatawag sa akin na muling tumingin sa salamin.

Nilapitan ko ito at humarap sa salamin.

Noong una ay isang malabong repleksyon lang ang aking nakikita, hindi naglaon ay may nakita akong isang malinaw na imahe.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang malinaw na imahe.

Imahe ng isang babae na nakasuot ng puting damit, ang mukha nito'y natatakpan ng gulo gulo nitong buhok.

Unti-unting nag-tayuan ang bahalibo ko sa aking katawan. Nagsimula naring manginig ang aking buong katawan.

Hindi ko alam ang aking gagawin.

Mangiyak-ngiyak na ako sa takot.

Naglakas loob na akong lingunin ito.

"Wala?" wala akong nakitang babae sa mula sa aking likuran. Kaya mabilis kong binaling ang aking paningin sa lumang salamin.

Isang malabong repleksyon nalang muli ang aking nakita doon.

Hindi ko alam kung namalik-mata lang ako o kung ano. Pero hindi din nagtagal ay inisip ko nalang na guni-guni ko lang iyon. Imposible kasing may makitang malinaw na imahe doon. Dahil nga sa luma at may katandaan na ang salamin na iyon.

Iniwanan ko na ang lumang salamin at nagpatuloy sa paglalakad papuntang kusina.

Pero mayroon akong kakaibang nararamdaman.

Pakiramdam ko'y may nanonood sa akin.

Hindi ako mapakali.

Nagpalinga-linga pa ako sa paligid.

Wala namang tao doon maliban sa akin.

Dahil sa hindi ako mapakali at mapalagay ay nagpalakad lakad pa ako. Hindi ko alam kung bakit dinala ako muli ng aking mga paa sa harap ng lumang salamin.

Napatulala nalang ako ng may makita muli sa lumang salamin.

Ito rin ang babaeng nakita ko kanina.

Ang babaeng nakasuot ng kulay puting damit.

Sa pagkakataong ito, gusto ko ng sumigaw at humingi ng saklolo. Pero parang may kung anong pumipigil sa akin. Wala ring boses na lumalabas sa aking bibig.

Lalo akong kinilabutan ng makita ang bibig nito.

Nakangiti ito sa akin.

At sa hindi malamang dahilan ay parang automatikong lumingon ang aking katawan sa likuran.

Naroon ang babaeng nakasuot ng kulay puting damit at bahagyang nakalutang sa hangin ang katawan. Gustuhin ko mang tumakbo palabas ay hindi ko magawa. May kung anong pumipigil sa aking pag-galaw.

Unti-unti itong lumalapit sa akin.

Nanlilisik ang mga mata nito at nakangiti sa akin.

Napaiyak nalang ako sa aking kinatatayuan habang nanginginig ang buong katawan.

At ilang sandali pa ay nawalan ako ng malay tao.

Pagkamulat ng aking mga mata ay nasa bahay na ako.

Hindi ko alam kung panaginip lang ba lahat ng iyon o totoo.

---

Nang lumibot muli ako sa bahay ng lola ay i-kinuwento ko ang tungkol sa lumang salamin.

Sabi pa ng lola ko :

"Hindi lang ikaw ang nakaranas ng ganyan, pati iba mong pinsan natatakot dyan sa lumang salamin."

---

Makalipas ng ilang araw ay hindi ko na muling nakita ang lumang salamin sa sala ng bahay ni Lola. Itinago na daw nya ito sa kwarto ng tito ko at tinabingan ng kumot.

TOTOO NGA KAYA ANG AKING NAKITA O SADYANG PANAGINIP LANG?

Pwes, ayoko ng alamin.

Ayoko na muling tingnan ang lumang salamin na iyon.

Ayoko ng alamin ang misteryong tinatago nito.

IKAW? BAKA GUSTO MONG SUBUKAN AT TINGNAN ANG LUMANG SALAMIN?

Lumang Salamin (True Ghost Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon