The poem

37 1 0
                                    

Ako ay nasaktan
Mula sa pait ng nakaraan
Saiyong salitang matalim
Ako ay napaisip ng malalim
Ano ang kasalanan
At ako ay sinaktan

Ako ay nasasaktan ng hindi mo nalalaman
Ang puso't isipan ay kalungkutan ang nilalaman
Pinatawad kita kahit sa sarili ko ay masakit
Ang aking mukha pag nakatalikod ay mapait
At pag nakaharap ay ngiti ang suot
Hindi ako nagtanim ng galit at puot

Hanggang ngayon ay ako ay nasasaktan
Dahil sa memorya ng nakaraan
Ako parin ay nagpatawad
At sabi ng iba ako ay walang tulad

Tumulo ang aking luha
Mula sa paggawa ng tula
Para malabas ang sakit
Ng walang halong galit

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ako Ay NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon