Ang pagkakaibigan ang pundasyon ng magandang samahan.
May mga kaibigan na matatakbuhan mo sa tuwing kailangan mo ng masasandalan.
May mga kaibigan din na nandiyan lang palagi sa tabi mo upang umalalay sayo.
May mga kaibigan na magsasabi ng tama at maling bagay na nagagawa mo. Sila iyung tipo ng kaibigan na kahit nakatalikod ka't patagong pinag-uusapan ka, mga good deeds ang nasasabi nila patungkol sayo at hindi ang bubutas sa pagkatao mo.
May mga kaibigan na may pagka-clingy. Iyung tipong sa sobrang dikit niyo na sa isa't-isa, kulang nalang magkapalitan na kayo ng mga mukha.
May mga kaibigan na kapag nadapa ka. . . imbes na tulungan ka, tatawanan ka lang. Minsan naman kapag darating ang kaibigan mo sa bahay niyo, kusa siyang papasok sa loob na parang siya ang may-ari ng bahay na yun. Feel at home much.
May mga kaibigan na kapatid na ang turing sayo. Siblings by heart, kumbaga. Natutulog kayo sa bahay ng isa't-isa, minsa'y tabi matulog, sabay kumain, sabay mag-toothbrush, sabay pumasok, mga bagay na ginagawa ng totoong magkapatid.
May mga kaibigan na handang gawin lahat para lang sumaya ka. Kalokohan man o kabalastugan man ang gagawin nila, worth it naman para lang mapangiti at mapasaya ka.
Pero papaano . . . kung yung kaibigan mo ang siyang magiging dahilan ng paghihirap at pagdurusa mo?
Will you still be there to be her friend?
Or you will back yourself off at lalayo nalang for the sake of your friend's happiness?
~*~
Copyrights © 2015 by IllyciaAbuan stories.ALL RIGHTS RESERVED. This is a work of fiction. I repeat, THIS IS A WORK OF FICTION. All of the characters and scenes are purely produced by the author's imagination. Any unauthorized reprint or use of this material is prohibited.
Any resemblance to real persons, living or dead, events, places and/or other stories is entirely coincidental and not intended by the author.