Made in China

29 2 1
                                    

<><><><><><><><><>

MADE IN CHINA

<><><><><><><><><>

Emma's POV

"Anak wag kang masyadong gumala ha? Baka may kumidnap sa'yo mahirap na!"

"Opo dad! Sige na alis na kayo ni mama! Galingan mo dad ha? Kelangan 100 pogi points lalo na at anniversary niyo ngayon ni mama!"

"Oo naman anak! Sinisigurado koo sa'yo na pagbalik naming ng mama mo ditto may kapatid ka na! Mag-isip ka nang pangalan ha?"

"Si dad talaga! Okay lang yun kung okay kay mama!"

"Siyempre tatanungin ko muna mama mo kung approve ba siya oh hindi! Mahal ko yun eh kaya may respeto ako dun!"

"Yiieeee ang keso mo talaga dad! Sige na baka iwanan na kayo ng eroplano! Bye dad! Bye mama!!!"

Hay, HOME ALONE. three weeks din akong magiging mag-isa ditto sa bahay!

Ang sweet talaga ni dad kay mama! Sila ang dahilan kung bakit naniniwala ako sa true love at sa forever. Kahit kasi may anak na sila, hindi pa rin nila nakakalimutang magka-quality time for each other! Kaya no. 1 fan ako ng dalawang 'to eh!

Sila ang nagpapatunay na hindi fictional ang true love.

Sila ang nagpapatunay na ang pag-ibig ay hindi lang tungkol sa hearbreaks.

Sila ang napapatunay na hindi lahat ng forever ay made in china.

At patuloy akong maniniwala sa mga pinatunayan nilang mga ito.

Ano ba yan! Ang boring sa bahay! Teka makapaglibot nga muna dito sa subdivision! Wala pa kaming 1 month na bagong lipat dito sa bahay namin kaya wala pa akong kakilala pero siyempre makikipagkilala ako haha!

Grabe ang ganda pala dito tapos presko pa! Tsaka yung mga bahay ang gaganda ang yaman kaya ng mga tao dito! Kaya ewan ko nga kung paano kami napunta dito eh -,-

"ARAAAAAY!" Grabe ang sakit ng ulo ko! Parang may tumama sakin! Buti na lang hindi dumugo! Sino kaya ang epal na bumato sa akin.

Pag tingin ko sa kaliwang gawi ko, aba si kuya hindi pa natuto namamato pa rin! Buti na lang hindi na banda sa akin!

"Uhm excuse me po? Mawalang galang na po ha pero pwede po bang pakitigil na yang pagbabato sa kung saan-saan kasi nakakasakit po kayo eh!"

"Natamaan ba kita? Kung oo edi pasensya na tao lang! At mawalang galang na rin, wag mo akong pakialaman kasi buhay ko ito! Hayaan mo na hindi naman kita tatamaan eh!"

Aba! Grabe to ha ang ayos ayos nung pagkakasabi ko sa kanya ng excuse me and everything tapos siya parang menopause lang?!

Umalis na ako ayaw kong patulan ang mga ganun noh! Sayang pogi pa naman siya!

*the next day*

Ang boring talaga sa bahay kaya napagdesisyonan kong magbike para makapagexercise na rin noh!

Ano ba yan! Sa lahat ba naman ng makakasalubong ko yung masungit na yun pa! Inirapan ko nga at pinatakbo ko na ng mabilis yung bike ko!

"Miss! Wait lang miss!! Miss!!"

Hay nako bahala ka diyan basta ako magbabike a--- *booogggsssshhh*

"Tss sabi na kasing wait lang eh!"

Nako Emma sa lahat ba naman ng oras na pwede kang mabangga bakit ngayon pa?! Ang stupid mo talaga kahit kelan! Ayan feeling tuloy ng masungit na yan nagpapaawa ka!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Made in ChinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon