Misyon

68 0 0
                                    

Misyon (A Story of Love and Hope)

Halloween Special

Written By: Clark Trovela

Ako si Kevin. Espiritong Pagala-gala. Matagal na kong patay. 3 years ago. 15 pa lang ako nun. Nabundol ako ng sasakyan. Sobra ang impact. Nalasog ang puso ko. Dead on Arrival na ako ng hinatid ako sa ospital. Maaaring hindi na ako makita ng mga tao ngayon, pero piling ko kasi may isa pa akong natitirang misyon. 3 years na at kung saan-saan na ako napadpad. Siguro kaya hindi pa ako nakakarating ng kabilang buhay, kasi gusto ko pa rin yung buhay dito. Wala akong magawa. Kahit anong hi ko sa tao. Hindi nila ako papansinin. Kaluluwa na nga pala ako. Pero sa tingin ko, yung misyon ko pang natitira, ay ang umibig. Imposible. Wala na ngang nakakakita sa kin, iibig pa ko.

Isang araw, napadpad ako sa Quezon City. Sa may UP. Dito dapat ako magcocollege eh. Kung di lang ako namatay. First time ko pumunta dito. Kung nagingat lang ako. 3rd Year na sana ako sa Engineering.  Habang naglalakad ako may nadaanan akong babae.

“Anu yun? Kakakilabot. Bigla akong nanlamig”, sabi niya.

“Hello”, sabi ko.

“AHHHHHHH!!!! “, bigla siyang natakot.

Mag hi ba naman ang isang kaluluwa. Teka, teka. Paano niya pala ako nakikita.

“Ms. Ms. Wait. Sorry kung tinakot kita. “, sanabi ko ng mahinahon.

“Lecheng Third Eye naman to oh. Hi! Matagal na akong nakakakita ng mga kaluluwa pero ikaw lang ang bukod tanging nag hi!”, sabi niya.

“By the way. My Name is Kevin. Ikaw?”, sabi ko.

“My name is Via. Via Salazar.”, sabi niya.

“Nice name. Via. Way ang ibig sabihin sa Greek”, sabi ko.

“Haha. Nice. Bago kita kausapin. Pumunta muna tayo sa lugar na walang tao. Baka isipin nila baliw ako.”, sabi niya.

Pumunta kami sa isang sulok. Dun sa may mapunong lugar.

“Kevin. Paano ka namatay, at paano ka naging kaluluwa”, sabi ni Via.

“Umm. Nabundol ako nung 15 ako. 3 years ago. 2008? Sobra yung impact nalasog yung puso ko. DOA na ako.”, sabi ko.

“Paano ka naging kaluluwa?”, tinanong niya ulit.

“Ummm Basta Pagkabangga ko Humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko. Hindi ko maintindihan yung nangyari.     Nalaman ko lang na DOA ako kasi Pumunta ako sa bahay namin nung nilalamay ako.  Kahit nung nilibing ako. Nanonood din ako”, sabi ko.

“Wow Ang Cool. Ang tagal na ah. 3 years yet di ka pa nakakapunta ng after life. Bakit kaya?”, sabi niya.

“Kadalasan naman sabi nila may Misyon pa. Yun ang kailangan ko pang malaman”

Ang ganda rin pala ni Via. Manghang mangha siya nung kinakausap niya ako.

“Oh Kevin. Pasok muna ako ng class naming sa Theology. I want to talk to you more pero nagmamadali ako.Kung gusto mo pasok ka sa classroom naming”, sinabi niya ng masaya.

Ang ganda pala niya ngumiti.

“Sure sge.”, sabi ko.

“Hindi lang kita papansinin. Baka isipin nila baliw ako”, sabi  niya.

Nagklase na sila. Ang topic nila ay tungkol sa Spirits at After Life.

“Sadyang nakakamangha ang mundo. Meron tayong hindi nakikita pero nararamdaman. At may mga ispirito talagang nagtatagal sa lupa kasi meron pa silang misyon na dapat gawin”, sabi nung lecturer.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MisyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon