Unsaid Thoughts

23 1 0
                                    

Ngetpa. Kung alam mo lang. Andaming mga bagay na gusto kong itanong, at sabihin sayo. Andami ko ding ikinatatakot na ultimo pagsusulat pa lang neto sa blog, nararamdaman ko na naman yung trauma na dulot ng past. Oo, siguro nga you're my weakness, my kryptonite and me being with you is not really a healthy thing. Nakakatawang isipin na ikaw pa yung naging phobia ko. Weird nga e. Hindi ako yung taong takot sa heights, sa mga insekto, sa madidilim na lugar, at sa kung ano pang mga bagay, takot ako sa thoughts tungkol sayo, takot ako sa mga mixed emotions na nararamdaman ko pag kasama kita, natatakot ako pag naririnig ko yung pangalan mo. Mahal pa kita, kahit alam ko namang walang mangyayari, Hindi worth it ipaglaban at masasaktan lang naman ako sa huli.

Gusto kong ma-heal pero hindi ko alam kung paano at kailan. Halos ginawa ko na lahat ng paraan para maging maayos ako. Lumayo ako. Iniwasan mo din naman ako dahil ayaw mo din naman na nasasaktan ako pero hindi din yun yung naging solusyon. Naging mag kaibigan ulit tayo, sobrang magkapatid ulit yung turingan, na-accept ko na din naman na hindi mo talaga ako kayang mahalin at talagang hanggang kapatid lang yung kaya mong iparamdam sakin, may mga times na nararamdaman kong wala na akong feelings para sayo, masaya akong in relationship ka, pero may mga times din naman na bumabalik din at sobrang sakit lang.

Kung hindi kaya tayo naging mag kaibigan, ano kaya ako sayo? Mamahalin mo din ba ako? O minsan ba sa loob ng ilang taon na pinagsamahan natin, na- awestruck ka din ba sakin? Bakit hindi na lang ako yung minahal mo? Mas matagal naman kasi tayong nagkasama. Mas kilala kita kaysa sa kanila, pero bakit hindi mo ako kayang mahalin bilang babae? Ganun ba ako kahirap mahalin ngetpa? Yan yung mga bagay na gustong gusto kong itanong sa 'yo. Pero kasalanan ko din naman, ang mahirap kasi sakin, hindi ako marunong magsalita. Hindi ko kayang ipaglaban yung mga nararamdaman ko. Talento ko na talaga siguro ang pagpre-pretend na okay lang ako at okay lang lahat. Kung san ka masaya, dapat maging masaya ako. Pero sabi mo nga dati nung magkausap tayo tungkol sa mga kapatid mo, "Kung san sila masaya, edi gawin nila." Ako ba? Naging masaya ba ako sa mga ginawa kong pagpapaka-martyr? Pero naging masaya din ba ako kung nagkaroon ako ng guts para sabihin sayo lahat ng 'to at isakripisyo yung pagkakaibigan natin? Hindi ko na kasi alam kung san ako lulugar. Para akong tumatawid sa sinulid. Minsan nga iniisip ko, kung hindi kita nakilala siguro hindi ako nagkaka-ganito. Mas magiging masaya ako kahit papaano. Hindi ako nasaktan at masasaktan ng sobra-sobra.

Ano na nga ba ngetpa? Kailan ko ba mao-overcome 'tong nararamdaman ko? Kailan ako makakamove on sa'yo? Tagal na kasi e. Ang hirap mong pakawalan. Ang hirap mo ding kalimutan. Sa twing magkasama naman tayo, nahihirapan lang din ako sa sobrang pag aalaga mo sakin, masakit kasi mas lalo mong pinaparamdam sakin na ginagawa mo yun kasi kahit na hindi tayo magkaano-ano, para sa'yo kapatid mo ako. Kapag naman lumayo ulit ako, pakiramdam ko malaking part ng pagkatao ko yung mawawala sakin. Ang hirap hirap na.

If You Could Just Read this CharlieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon