Nakakainis lang kasi panget. Gustong gusto kitang awayin. Sobrang gusto kitang awayin. Oo, nainis ka nga siguro sakin nung mga times na hindi kita kinausap. Pero sana naman sinabi mo yun sakin hindi yung plinaplastick mo ako ngayon. Ilang taon tayong naging mag kaibigan, sa tingin mo hindi kita kilala? Sa tingin mo hindi ko alam kapag hindi ka interesado sa tao o sa usapan? Gusto kong itanong kung anong problema, mag vent out tulad ng dati pero puro ka na lang "hahaha" Wala. Ramdam na ramdam ko na. Feeling ko natutuwa ka pa nga sa nangyayari, hinihintay mo lang na layuan kita. Magsawa ako. Pero di ganun kadali yun. Eto na naman kasi tayo. You're leaving me blank. Hindi ko na alam iisipin ko sa nangyayari. Nakaka praning yung feeling na hindi ko talaga alam kung galit ka ba, busy ka, o wala ka na lang talagang pakeelam. Di mo nga ata ako namimiss at alam kong hindi naman talaga mangyayari yun. Asan na yung dating tayo ngetpa? Ngayon lagi ko na lang kinukumpara yung dati sa ngayon. Na pag nag uusap tayo, lagi ko na lang iniisip na "hindi ganito yung sinasabi mo sakin dati", "dapat hindi ganto yung nga reaction mo", na magtetext ka sa akin agad, makikipag kita ka pag alam mong malungkot ako kasi mahalaga pa ako noon sayo. Nasan na yung pake mo ngetpa? San na napunta yun? Isang buwan lang ang bilis mo agad nagbago. Ang sarap mo sanang awayin pero pag nagdadrama ako wala ka na talagang reaction tulad ng dati. Para akong nakikipag usap sa hangin. Sana naman hindi na ganto. Sana maging maayos na. Or kung hindi man maging maayos sana maka move on na ako. Please lang. Mas masakit pala break up ng friendship kesa sa relationships eh. | 6:41pm| 11.18.2015|
BINABASA MO ANG
If You Could Just Read this Charlie
RandomThis is not a story. Just a collection of my unsaid thoughts to the guy pestering my mind.