PROLOGUE:
Minsan talaga sa ating buhay ay masaya minsan naman ay malungkot. Dahil hindi naman natin matutukoy kung ano ang pangyayari sa ating buhay sa kasalukuyan. Naranasan niyo na bang magmahal sa hindi niyo inaasahang pagkakataon?
Kaya itong kuwento na isinulat ko ay tungkol sa isang babae na siya ay nagmahal sa hindi inaasahang pangyayari.
PANIMULA:
Hi!Ako nga pala si Alice Nicole Soriano pwede niyo akong tawaging Alice. Ako ay 15 taong gulang. Ako ay kasalukuyang nag-aaral sa Ateneo de Manila at ako ay nasa ika-10 baitang sa secondarya. Ako ay kasulukuyang nakatira sa Quezon City. Meron akong hindi inaasahan na magiging kaibigan ko,siya ay gwapo,matangkad at hidi masyadong kaputian at ang tinutukoy ko ay si Ian Darryl Garcia. Dahil noong una talaga ay hindi kami magkakakilala at dumating nga nag panahon na kami ay maging magkaklase noong nakaraang taon pero ngayon ay hindi na pero magkaibigan pa rin naman kami.haha!!
SABADO NG HAPON HABANG NASA PAARALAN
*pababa ng hagdan*nakita ko si Ian paparating sa akinat bigla niyang sinabi sa akin na "ALICE PWEDE KO BA HINGIN ANG NUMBER MO?"at hindi naman ako nag alinlangan na ibigay sa kanya dahil nga magkaibigan kaming dalawa. At yun nga pumasok kami sa silid-aralan kasama ang aming mga kaibigan at doon ko rin binigay ang aking cellphone number.
NAGLALAKAD PAUWI NG BAHAY
*may nag text*at yun nga pagtingin ko may isng text pero hindi ko kilala dahil puro numero lang ang nandoon. Pagkabasa ko sa text ay may "HI" hindi ko naman alam king sino yun kaya nag repl;y nalang ako ng "SINO TO?" kaya nagpakilala siya na siya pala ay si IAN DARRYL GARCIA kaya nagpatuloy akong nakipag text sa kanya sa cellphone.
PAGDATING SA BAHAY
At yun nga pagdating ko sa aming bahay nanagyari ang hindi ko inaasahan, na si Ian ay manliligaw sa akin. Hindi ko naman agad mapaniwalaan dahil sa text nga lang naman. At sa totoo lang din hindi ko pa siya gusto noon. At lalong-lalo na hindi pa ako handa para sa ganyan..HAHA!! pero hindi pa rin siya tumigil.
MARTES NG HAPON SA PAARALAN
*may tumatawag sa pangalan ko*hmm! hulaan niyo kung sino?HAHA! si Ian Darryl lang pala.HAHA!. At yun tinawag niya ako at pumunta naman ako at doon niya nga ginawa ang gusto ko na manligaw siya sa akin sa harapan, na hindi lang sa text. Pero ganoon paman hindi ko pa rin siya sinagot sinabi ko lang na "HINDI PA KASI PWEDE,ARAL MO NA AKO,SORRY!HAHA!"
At dumating na nga araw na ito na sasagutin ko na siya sa kanyang matagal na tanong sa akin. Pero hindi ko nasabi dahil marami nagang tao at parang nahihiya ako na pupuntahan siya:-D at pagkatapos ng school program ay dali-dali kaming umuwi dahil nga malapit nang gumabi. Time check:5:30 pm. Kaya napag decisyonan ko na baka sa cellphone ko nalang sasabihin yung sagot ko.pagkatapos non masayang masaya kami dahil nga kami nang dalawa:-)pero hindi diyan nagtatapos ang aming kasiyahan:-D.
PAPUNTA SA PAARALAN
Time Check:7:05 am, pagkatapos ko siyang sagutin, at yung araw na ito,ika nga full of exitement dahil nga doon:-).Pagkatapos non,palagi na kaming magkasama pero hindi nga lang araw-araw pero ok na rin iyon baka makita pa kami ng mga kapatid ko.haha! Basta'"t nag-kikita pa rin kami:-) At palagi niya rin akong hinahatid tuwing uwian sa tanghali at hapon:-).
(MAKALIPAS ANG ILANG BUWAN)
Hindi nga natin maiiwasan ang pagkakataon na magkaka problema pero sa kasamaang palad nangyari nga sa amin iyon ni Ian. At ang may kasalanan ay si Ian Darryl dahil niloko nya ko,may gusto siyang ibang babae, kaya nung nalaman ko iyon hindi ko maiwasan na magalit sa kanya, kaya dala-dali akong nakipag hiwalay sa kanya. Hindi ko na siya masyadong pinapansin sa paaralan. At pagkalipas ng ilang araw nalaman ko na lamang na sila na pala ni Allison Jane Diaz. At itong si Allison ay isang kakilala ko at kaibigan:-( Napagtanto ko sa araw na iyon na hindi pala talaga siya seryoso sa akin:-( Masakit mang isipin pero kakayanin at kailangan kong tanggapin kay sinasabi ko nalang sa sarili ko na ''MASAYA AKO PARA SA KANILA'' HAHA!!:-( Pero kahit sinabi ko iyon ,meron pa ring gumugulo o mga tanong sa isipan ko,katulad ng ''ANO BANG MALI SA AKIN,PARA IPAGPALIT NIYA AKO SA IBA?'',''MAY NAGAWA BA AKO?'' ewan ko ba, bahala na silang dalawa, hindi ko naman siya kawalan:-D kaya palagi ko ng pinapaalala sa sarili ko na ''MAKAKAHANAP PA AKO NA TAO NA MAMAHALIN AKO NG TOTOO AT MAS KARAPAT DAPAT RIN SA PAGMAMAHAL KO''. At kaya sinasabi ko nalang kay Ian na ''SANA MAGING MASAYA KAYONG DALAWA'':-) kasi ayoko na nang gulo at gusto ko nang mag ''MOVE ON'' sa kanya:-).
Dito na nagtatapos ang aking ginawang kuwento sana ay na antig ang inyong mga damdamin..Salamat sa pagbasa!!!
----Charisse
BINABASA MO ANG
HINDI INAASAHANG PANGYAYARI
Short StoryMinsan talaga sa ating buhay ay masaya minsan naman ay malungkot. Dahil nga hindi naman natin malalaman kung ano ang mangyayari sa atin sa kasalukuyan. Naranasan niyo na bang magmahal ng hindi niyo inaasahan? Well! Ito ang kwento ng isang babae na...