Chapter Forty-Five : The Alfonso Three "Paandar" Way

8K 158 22
                                    

JORJINA

"HELLO, SWEETHEART," TRES said in his usual sexy and playful drawl. "You look beautiful and stunning. You take my breath away..."

Kumibut-kibot ang mga labi ko at nag-init ang magkabilang-gilid ng mga mata ko. Sobrang nagiging emosyonal ako dahil kay Tres. Dahil sa ginawa niya at sa hindi matatawarang effort niya.

May dinukot si Tres sa inside pocket ng tuxedo niya. Isang nakatuping papel na ka-size ng short bond paper.

"Beautiful bouquet of flowers for a beautiful and stunning lady who always haunts my dreams." Iniabot niya sa akin ang papel.

Binuklat ko ang papel at napahigit ako ng hininga nang makita ang drawing ni Tres na isang bouquet ng sari-saring magagandang bulaklak.

The flowers were coloful. Sa bandang gitna ng bouquet ay may naka-draw na bukas na card na may nakasulat na 'Tres loves Jorjina beyond words and endlessly'.

Napalunok ako. I couldn't contain my happiness.

Sobra.

"A-ang ganda," I said, choking on my words. Dinala ko iyon sa ilong ko at kunwari ay inamoy. "Ang bango..." dagdag ko kahit na ang naaamoy ko ay ang oil pastel na ginamit niyang medium.

I heard him chuckle sa huling sinabi ko.

Napatingin ako sa pinakadulong side na backdoor ng ballroom at nakita ko sina Stasha at Miranda na nakasilip.

Nagmuwestra si Stasha na huwag akong umiyak at mag-smile ako habang pinandidilatan ako. Nakita siguro niya sa reaksyon ko na nagiging emosyonal na ako.

I composed myself. Magagalit si Stasha sa akin kung masisira ko ang make up ko--ang obra maestra ni Stasha--dahil sa pag-iyak.

I cleared my throat. Naglabas ako ng isang malalim na buntong-hininga. "You did this all for me?" hindi makapaniwalang tanong ko habang nililibot ng tingin ang buong ballroom.

Ang ganda ng decorations nito. Ilang tao kaya ang inupahan niyang gumawa nito?

He half-smiled. Gorgeous half-smile.

"Only for you," he said while his eyes never leaving mine.

I pursed my lips.

Only for me.

D'yos ko, Lord. Ako na talaga.

"I realized I haven't asked you out on a date--a real one. Sa panahong magkakilala tayo hanggang sa maging girlfriend kita, kumain lang tayo sa fastfood at madalas ay nagti-take out lang. I want you to experience a real date with me--"

He scanned my face then grinned handsomely. Na parang nasa isip pa lang ang gustong sabihin ay natatawa na siya. "The Alfonso Three paandar way."

Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti. "And this is it?"

"Yup," he said, popping the 'p' sound in his sensual mouth. "And this is just the beginning of real dates with me, sweetheart."

His eyes twinkled. Na para bang may kapilyuhang gustong ipahiwatig.

Lumuwang ang ngiti ko. Happiness filled every part of my body. Kakaiba at malalim na kasiyahan. Tres Esquivel made me feel that kind of happiness.

"Kelan mo pinlano 'to?" tanong ko.

He shrugged his shoulders. "Two days ago."

"Two days ago?!" hindi makapaniwalang ulit ko. "Nagawa mo agad?"

Nakangiting tumango siya. He seemed amused by my reaction. "With the big help from my friends, particularly my two fairy godmothers. And it's really a good thing I am friends with the grandson of a hotel and restaurant magnate. This grandson managed to secure me a ballroom reservation in such a very, very short notice."

NO ORDINARY LOVE : College Hottie # 3 - Tres EsquivelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon