10 - Overtime

127 4 0
                                    

Chapter 10 - Overtime

**

ACHI

It's been years.

"Lolo. Happy birthday." Inilapag ko ang binili kong bulaklak sa puntod. Mag-isa lang ako ngayong bumisita sa kanya dahil busy na sila. Gaano katagal na nga ba ang lumipas? Medyo matagal na rin nung huli akong pumunta dito. Masamang sabihin na busy ako pero 'yun talaga ang dahilan ko. Umupo ako sa damuhan at ginawang komportable ang sarili ko bago ko ituloy ang mga kwento ko sa kanya. Natural na mahangin ngayon at medyo malamig dahil napapaligiran naman ng puno ang sementeryo. Tahimik rin ang paligid pero hindi 'yung tipo na nakakatakot. This place has a friendly atmosphere.

"Lo, alam mo ba, naghiwalay na sina Mama at Papa e. Isang taon silang hindi nagpansinan tapos nagmove-out na si Mama. Ewan ko ba." Napabuntong-hininga ako. Stable naman na kaming lahat pero hindi parin magandang bagay ang paghihiwalay nila. Syempre gusto ko rin ng buong pamilya.

"Si Joy, ayun, dalaga na! Tomboy nga ata." Natawa ako sa sinabi ko. Hindi naman kasi lumaki si Joy na pariwara. Ayos parin naman sya, at mahal nya parin ako. Haha. Kung anuman 'yung nangyari nung nakaraan, hinihiling ko nalang na sana makalimutan na nya. "At ako, eto, kasal na."

I smiled happily before I sighed. "Lo, diba sabi mo sa akin noon, kailangan kong mag-asawa, hindi dahil kailangan ko ng anak kundi dahil gusto kong makasama ang babaeng 'yun habangbuhay?" Of course he was worried about me. Baka raw kasi magsilbing burden ang pangalan namin. Kung hindi ba naman makulit ang mga ninuno ko edi pare-pareho kaming ayos ngayon? Except kay Lolo, kasi nasa heaven na sya.

"Sinunod ko ang payo mo. Ang sabi mo rin, hindi ko kailangang hanapin ang lahat ng treasures sa mundo para maging masaya dahil kung magiging kuntento ako, mas sasaya ako. Hm. Thank you." I made a face. "Kahit napakabata ko pa nung sinabi mo 'yon. Well, nagbunga naman ng maganda."

Hindi ko naman madalas nakakasama si Lolo nuon. Kapag nagkikita kami, puro mga bagay na hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi nya. Habang tumatanda ako, hanggang ngayon, unti-unti ko nang naintindihan ang mga sinabi nya noon. Ganun nga talaga siguro, maiintindihan mo ang mga bagay kapag napagdaanan mo na.

Napatigil ako sa pag-iisip ng ikekwento ko sa kanya. Ang tagal ko nang nabubuhay sa mundong ito. Marami na akong napagdaanan. Ano pa kayang itinadhana sa akin? Parang nakumpleto ko naman na ang mga dapat kong gawin. Hindi kaya mamamatay na ako? Naalala ko bigla 'yung panahong hiniling ko na sana, namatay nalang ako. Masakit parin. Pero I have moved on. Nilagpasan ko na 'yon dahil kailangan at dahil gusto ko.

I heard a dog barking. At dahil sinira ng asong 'yun ang katahimikan, napatingin ako sa kanya at may naramdaman akong kakaiba. The dog was wagging its tail at me at nung tumayo ako, laking gulat ko nang tumakbo ito papunta sakin. Puti ang asong 'yon at mabalahibo. Takot pa rin naman ako makagat dahil may gastos pa rin 'yun pero napakafriendly ng aso para isipin ko na gagawin nya nga 'yon. May naaalala ako sa kanya. Isinampa nya ang front legs nya sa baywang ko kaya napilitan akong haplusin ang ulo nya. Sya naman, pilit na hinahabol ang kamay ko para dilaan. Maganda ang balahibo nya. Mukhang asong bahay sya at siguro, isinama lang sya dito.

"Achimi!" Kinabahan sa narinig ko. Agad naman na lumingon ang aso at tumakbo papalayo sa akin. Sinundan ko lang kung saan sya pupunta at nang makita ko ang tumawag sa kanya, naging mas lalong kakaiba ang nararamdaman ko. Kakaiba ang dahil naramdaman ko. Eto ba 'yun....

'Yung lukso ng dugo?

Ang kakaiba. Parang parte mo na nakikita mo gamit ang dalawa mong mga mata kaya hindi mo maiwasang mag-alala. Para bang, kahit anong mangyari, magkapamilya parin kayo kaya at may isang bond na kumokonekta sa inyo. Nararamdaman ko ito kay Joy, dahil kapatid ko sya, pero sa batang ito. Ang kakaiba. Parang, magic? Ngayon ko lang nakita ang batang lalaking 'yon pero bakit.. bakit parang gusto ko syang yakapin? Gusto ko syang kamustahin. Gusto ko syang makausap. Ang saya. Ang gaan sa puso.

Eh Kasi, Bakla! 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon