Letters Only

101 1 0
                                    

 -immaplaywrite

“Oh sige class, get a one-half lengthwise of pad paper and start answering the test.” Utos ni Mrs. Sandejas. Tumalima naman ang nga estudyante’t nagsipagkuha na ng papel at nagsimula nang sagutan ang nga tanong sa blackboard.

                       “What is the limit of sine cube teta over the difference of tan squared teta and sine teta as teta approaches zero?” mahinang basa ni Andie sa question #1 sa kanilang Trigonometry test.

                       ‘Bwisit talaga ‘tong sine-sine na to sa buhay ko, eh! ‘

Mula kasi first grading hanggang third grading Na, ayaw pa ring mag-evaporate sa mundong earth. Pati na sa advance physics nila, nakiki-epal pa. Mahirap na nga ang x,y-x,y palang, dinagdagan pa ng mga walang-magawa ng sine-cosine. Bakit kaya imbes na atupagin nila ang paglutas sa utang ng country of the Philippines eh, ang lalong pagpapahirap pa sa math ang napagtripan? Buti nalang hindi pa nila pinapakealaman ang Filipino. ‘Pag nagkataon, magpapatiwakal na lang siya!

                       “Psst Andie!”

                       Napalingon siya sa kanan niya nang may pamilyar na tinig na tumawag sa kanya.

                       “Pano ba to sasagutan?” tanong ni Gio sa  kanya

                       ‘Haaay..eto na naman po siya..’

                       Luigi “Gio” Castillo is the perfect example of the word “LAZY”. Palagi  itong hindi nakikinig sa klase instead, naka- earphones lang ito at nakikinig ng music. Hindi lang halata dahil may kahabaan ang buhok nito at nasa pinakalikod pa sila nakaupo. At dahil nga natatakpan ng earphones ang tenga nito, hindi nito naririnig ang instructions sa mga tests nila at sa kanya ito palaging nagtatanong. Pero bilib din siya kay Gio dahil hindi pa ito nakakakuha ng score na below average sa kahit na anong test nila. Likas naman kasi itong matalino kaya nga crush na crush niya ito mula pa nung 1st year pa lang sila. Bukod sa matalino, he’s got everything a girl would go crazy for--- from looks to riches. Pero parang wala naman siyang pag- asa dito dahil bukod sa pagtatanong ng directions sa test, hindi siya nito kinakausap. Hindi naman siya panget, marami namang nagsasabing maganda siya pero ewan ba niya, parang hangin lang siya sa buhay nito….. invisible.

                       “Letters only. ” sagot niya at ibinalik na sa papel ang tingin. Hindi niya matagalan ang pagtitig dito kasi parang nagkakaroon ng napakalakas sa drum roll sa dibdib niya.

                       “Okay.”

********************

“Rain, rain go away, come again another day, ako pa po kasi ay uuwey.” Andie chanted while sitting inside a waiting shed outside their school. Malakas kasi ang ulan at wala na siyang masakyang traysikel kaya naghihintay muna siya dung tumila ang ulan.

                       Nabigla pa siya nang bigla na lang sumilong dun sa waiting shed si Gio. And when their eyes met, she felt her heart went wild.

                       ‘Rain, rain don’t go away, just pour and pour yourself today, ayoko pa kasing umuwey…’

                       But the disappointment took over her senses nang agad umiwas ng tingin sa kanya si Gio at umupo din sa bench na naroon….. sa pinakadulo ng bench na naroon. Namumulaklak ba ng muta ang mga mata niya kaya hindi ito makatingin sa kanya? Mabaho ba siya kaya ito umupo ng pagkalayo- layo sa kanya? Ouch, Ha?

Letters OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon