CHAPTER 5 ~ Mission? ~

105K 1.6K 43
                                    

CHAPTER 5

CASSANDRA'S POV

"ANDREIGE!"

Natatarantang paikot-ikot ako sa kusina. Dahil sa boredom naisipan kong mag bake. Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla na lang pumutok at nasunog yung binebake ko na ginaya ko lang sa pinaanood ko sa TV kanina.

Nakarinig ako ng mga nagkukumahog na yabag mula sa taas. Tulog pa kasi si Andreige, napuyat kagabi sa pakikipaglaro ng tennis video game kay Wynd.

"Cassie?"

Tinuro ko yung oven na kasalukuyang umaapoy na ang baking pan na ginamit ko. Nagmamadaling binuksan ni andreie yung oven pagkatapos ay may kinuha siyang kung ano na ipinaghila niya sa pan at kaagad na idiniretso niya yon sa sink.

Binuksan niya ang gripo hanggang sa tumigil na ang pag-apoy non pagkatapos ay lumingon siya sakin.

"You okay?"

"Do I look okay?"-me

Natawa siya. He brushed his his hair up using his fingers at hindi maiwasang hindi ko sundan ang pagkilos niya. Napalunok ako ng marealize ko kung ano lang ang suot niya ngayon.

...

...

Boxers.

"Magdamit ka nga!"

Napatalon si Andreige ng bigla na lang akong sumigaw. Nilingon niya ako at natatawang nag pose pa sa harapan ko. Binato ko siya ng hawak kong pot holder at nagdadabog na pumunta ako sa sala.

Sa 'Craige' na nga lang ako kakain ng brownies. Kung bakit naman kasi ang hirap-hirap gawin. Hindi ko pa alam kung anong ginawa kong mali. Tama naman yung mga measure na ginamit ko. Nilagyan ko pa nga ng plastic film yung pan bago ko nilagay yung mixture dahil wala akong makitang parchment paper na ginagamit para sa baking.

Mali ba yon?

-___________-

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon