BRENT ADRIAN'S POV
Malapit ng matapos yung ginagawa namin ilang oras nalang din mag sisimula na yung suprise party para sa monthsarry ni charles at aishey . Lahat kami exited , lahat din kami kinakabahan haha siyempre naman sobrang effort ng mga ginawa namin ewan ko nalang kung di pa maapreciate ni shey to .
Habang tumitingin ako sa paligid biglang may magandang nilalang na nahagip ang aking mata :) si audrey . Lalapitan ko na sana siya kaso kinausap niya si charles
Nakakainis bakit ba ko nag seselos ? Eh boyfriend yan ng bestfriend ni drey . Hays kasi naman eh after namin mag lunch kanina di na niya ko kinakausap sobrang busy na niya para lang akong poste dun di manlang niya ko magawang kausapin ;( hanggang tingin nalang ako sakaniya :(
Naisipan kong pumunta sa may garden ang ganda kasi dun eh
--
Nandito ako sa garden para makapag isip isip ? Alam nyo ba kung ano o sino yung iniisip ko ? Sino pa ba ? Edi yung babaeng nagpabaliw sakin , yung babaeng mahal ko . Yung babaeng gusto kong makasama , yung babaeng nag ngangalang audrey
Oo mahal ko siya , di lang siguro halata . Minsan nga sinasabi ko sakaniya ng pabiro yun eh hays pano ba naman kasi isang beses dapat aaminin ko na sakaniya kaso tumawa ba naman ng malakas akala mo walang bukas , kaya ayun naisip kong idaan sa biro . Minsan kasi mas kapani-paniwala yung biro eh .
"Oy bat ka nag e-emote diyan?" Nagulat nalang ako nung biglang nag salita si drey .
"Wala" tipid kong sagot *insert poker face of mine*
"La anong problema mo ? "
"Ikaw ! " dimo ba alam ?
"Me? Bakit naman ? " manhid ka nga talaga drey !
"Wala lang " ngumiti ako para di niya mahalata
Wala lang to drey . Wag mo ng alamin kung anong problema ko baka madulas pa ko at di ko magustuhan ang isasagot mo . Baka masaktan lang ako :(
Hays drey , may nararamdaman ka din ba para sakin ?
"Parang sira to ! Ano nga ? " sabi niya
"Wala . Nag bibiro lang e ! " sabi ko
"Hindi ka naman ganiyan mag biro eh ! " sabi niyaa
"Uhm drey, ano kasi e "
"Ano yun ? "
"Kasi---"
"Audrey ! Brent ! Tara na sa loob" sigaw ni exekiel . Tsss panira naman oh .
"Tara na daw brent !"
Tumango tango nalang ako at naglakad papunta sa loob .
* FLASHBACK *
Ilang weeks na ang nakalipas at mas nagiging close pa kami . Di ko na nga kayang di siya nakikita eh . Lagi kaming mag ka text at nagtatawagan . Masaya ako pag nakakausap ko siya .
Okay na rin kami ni aishey . Friends na kami . Nung una talagang galit siya sakin pero di ko alam kung anong sinabi ni drey sakaniya kaya naging okay kami
Dialing Aishey Ellize ...
Ilang segundo lang at sinagot na niya
"Hello? Brent ? Napatawag ka ? " -shey