Chapter 6 : Group ? Who's Him ?

33 0 0
                                    

Shane's POV

" Hays .. Boring ang tagal niya bumalik " Bulong ko sa sarili ko habang nagdi-discuss yung mapeh teacher namin . 

Absent pa rin ngayon si Zack mga 1week at 5days na ngayon bale 2weeks na . Anu kaya nangyari dun nabalian ba siya ? .. baka napano na siya wala pa naman ako contact no. niya para malaman ang lagay niya . kaya eto ako medyo boring ako at wala sa mood siya pa lang kasi ang naging friend ko dito . 

" Okay Class Group yourselves in three . " sabi ni Mr.Dionzon .. 

Okey lahat sila busy sa pagpili nang kapatner nila . ako walang kapatner . Tsk ! tapos bigla ako may narinig na kaklase ko . 

" Sir paano naman sila ? ". Ayun kahit papaano may nakapansin na kaklase kong lalaki .

Tumingin saakin si Mr.Dionzon at dun sa kahanay ko na upuan na lalaki . 

" Edi kayong dalawa ang mag-kapatner at yung absent na si Mr.Park." ..

" Ehh .. Sir paa-- " di ko natuloy yung sinasabi ko kasi si sir bigla nagsalita 

" Okey Class may grupo na kayo kaya dapat magtulungan kayo as a group . Simple lang naman ang gagawin niyo ." ..

" Anu yun sir ? " tanong ng atat kong kaklase . 

" Kakanta lang naman kayo dito sa harapan diba tatlo kayo yung isa ang mag-compose tapos yung isa ang guitar at yung last ay ang vocalist dapat galingan at seryosohin niyo dahil ayan ang project niyo this 1st grading ." 

HUH !~ tsk paano yan . yung ka-group ko naman na lalaki hindi ko kilala tapos hindi ko alam kung anu hilig nito isa pa usap-usapan dito na basagulero , masungit at walang paki-alam sa ibang tao ?. paano ko naman pakikisamahan tong lalaki na to ? . TSK ! Zack nasaan ka na ba kasi sana sa monday pumasok ka na . 

Its Friday hindi ko parin maka-usap yung kaklase kong wierd. Nakakatakot kasi mamaya mangagat 

" Rawr " .. Oppss. nasabi ko ata nang malakas.

Napatingin ako sa kanya tapos nakita ko nakatingin siya sa akin.

Tsk.Nagpipigil ata ng tawa nakakahiya naman mamaya sabihan niya ko ng baliw . 

" Hey why are you laughing ?" ....

" Ey.hindi sumagot . teka nga malapitan nga to. 

" Hey i said why are you laughing ? " 

" Para ka kasing baliw " 

"Huh ako baliw ?" 

" Nagtaka ka pa eh Mangangagat ka ata na parang Leon ? " 

tapos tumawa siya pero mahina lang . 

" Oy ! Hindi ah . may naalala lang ako sa pinapanuod ko 

" Saan dun ? " "Yung artista sa noontime show yung babaing nag-Rawr dun."haha . may palusot ako 

" Ah ok " tapos sumeryoso na yung mukha niya pero parang natatawa pa rin siya nang-unti.

Dismissal na hindi ko pa rin siya nakaka-usap about sa project namin. nauna siyang lumabas . Tsk cleaners ako eh bawal tumakas kaya hindi ko siya nahabol para kausapin. actually mag-isa lang pala akong cleaners kasi yung iba nag-sitakas na dahil nauna na bumaba yung teacher namin sa lobby papuntang faculty.Habang naglilinis naman ako nang blackboard eh naalala ko yung kwento about sa white lady na gumagala sa school kaya medyo kinabahan ako at nagmamadali sa pag-bura nasa 4th floor pa naman yung room namin at feeling ko wala nang tao sa ibang room . Tsk Anu ba yan tumataas na balahibo ko at inilapag ko na yung eraser sa board kaso nahulog 

" ay tanga nang eraser " haha . nagmadali ako kuhanin yung bag ko tapos bigla ako may narinig na yabag takte binilisan ko yung paghakbang ko papalapit sa pinto nang classroom namin tapos bigla na lang ay " TUG**

"Aiiiiiiiiiiiiii..." napa-atras ako sa impact at napa-upo 

" Aray naman " narinig ko yung nakabungguan ko nang ulo . maging siya naka-upo din sa labas ng pinto at kaharap ako. 

" Aaarraayyy , so-sorry hindi ko sinasad-". 

" bakit ba kasi hindi mo tinitignan yung dinadaanan mo ? " .. Teka kasalanan ko bang matakot ? 

Tsk. tumingala ako para makita kung sino to kasi medyo pamilyar yung boses niya . 

" Uy ikaw pala ".. 

" Yeah. " tapos tumayo siya at ini-offer niya yung right hand niya para itayo ako. Inabot ko naman to . 

" Pasens-"

" ok lang nangyari na eh . tss " aba siya pa may ganang magalit. 

tapos pumasok siya ng room para kuhanin yung notebook ata yun sa ilalim ng lamesa niya tapos ako eto lang nakatayo sa labas ng room medyo nahilo ako sa pagkakauntog eh tska humahanap ako ng tyempo para tanungin ang about sa project namin. 

A Thousand YearsWhere stories live. Discover now