Chapter 5

5 0 0
                                    


Zanea's POV

Anu namang trip ni jb at tinext pa ako?

Pero sa totoo lang, naging cold nga ata yung treatment ko sa kanya..

Nasa bahay na ako ngayon at nakahiga habang nakatingala.

Dapat na ba akong tumigil sa pagpapakatanga ko kay jb??

Kalahati ng katawan ko ang nagsasabi na sumuko na pero kalahati ng katawan ko ang nagsasabi na lumaban pa ako.

Kring...kring

"Hello? Jb?" sabi ko sa kabilang linya, tinawagan kasi ako ni jb ehh..

["Ahm, pwede ba tayong magusap? Privately."]

"Anu ba yun? Sabihin mo na."

["Pwede ka pa ba ngayon? Dun lang sa Park."] tinignan ko naman yung orasan ko, 7:58 na pala ng gabi..

"Ahh itatry kong makapunta, basta kapag wala pa ako ng 6 minutes umuwi kana." sabi ko.

["Sige, bye."] pagkatapos inend call ko na agad at nagbihis..

Pagkababa ko nakita ko si kuya na naglalaro sa xbox niya..

"Kuya, may pupuntahan lang ako ahh?" sabi ko saka aakmang aalis na sana..

"Saan ka naman ha? Gabi na kaya, baka mapano ka pa." sabi ni kuya at humarap sa akin..

"Ehh, kuya jan lang naman sa park, papahatid naman ako kay manong paolo ehh." matagal na nanahimik si kuya at mukhanb nagiisip pa..

"Please?" sabi ko at nagpuppy eyes..

"Ugh! Sige na nga! Magingat ka ha." sabi ni kuya saka bumalik sa paglaro sa xbox niya..

***

"Tayo?! Magpapanggap na magboyfriend?! Bakit?" sabi ko at medyo nagulat sa mga sinabi ni jb, ako? Magpapanggap na girlfriend niya?

"Basta. Ikaw nalang yung alam kong makakatulong sa akin ehh, gusto kong iparamdam sa ex ko na, dapat niyang pagsisihan na nakipag break siya sa akin at pinili yang joaqin na yan." sabi niya.

"Ex? Ehh, akala ko may girlfriend ka?"

"Kakabreak lang namin nun, at pagkabreak namin si joaqin naman ang pinalit niya over me."

"So?"sabi ko at nagcross arms.

"So ka dyan? Pumayag kana please?" sabi niya saka lumuhod, buti na nga lang at wala ganong tao dito sa park ehh.

"Anu ba? Tumayo ka nga jan jb!" saway ko naman kay jb saka pinipilit siyang patayuin..

" No! Say yes first!" sabi naman niya..

"Yes." mahinahon kong sabi saka tumingin sa kanya, ang lapad ng ngiti niya..

"Really? Thank you iya!! Yohhoo! I love you." nagkatinginan kami sa isat isa, magkayakap na pala kami, agad naman akong kumalas, saka I love you daw?

"Ahh, wala yon nadala lang ako ng emotion ko, sorry." sabi niya saka napakamot ng batok..

"uwi na ako jb." sabi ko at aakma na sanang paalis.

"Babe, is our endearment.. Is that clear?" babe? O my,! Makaalis na nga at baka makita pa niyang mangamatis yung mukha ko.

***

First day namin bilang magboyfriend este pekeng magboyfriend, and now where holding each other's hand..

"What?! Siya yung girlfriend ngayon ni fafa jb?? Huhuhu! Bigti na." Girl 1

"Grabe! Wala pa atang one week, may bago na agad na girlfriend si jb.." Girl 2

"Pretty yung girl, pero mas pretty padin ako.Dapat kami ni jb ehh." Girl 3

Yan lang naman ang narinig kong bulungan sa campus..

And now, sila quinny pala ang nasa harap namin..

"Ohh! So kayo na pala? No wonder wala ka talagang taste jb."  sabi ni quinny saka nagroll eyes sa akin..

"Hahaha! Mas wala namang taste si joaqin para piliin ka, your nothing but a slut, right?" sabi naman ni jb kaya siniko ko siya ng marahan, kahit na ba may galit siya, di parin niya dapat pagsabihan ng ganun si quinny kasi babae parin siya..

"Babe tara na?" sabi ko naman saka ngumiti kay jb..

"Babe? Hahaha! Ganyan din ang endearment namin noon ni jb ehh, di mo padin pala ako nakalimutan jb." nakita ko namang nagpipigil ng galit si jb..

Pero ngumiti padin siya..

"Di nga kita makakalimutan, ikaw kasi yung pinakamalanding girlfriend na nakilala ko ehh." sabi ni jb, sometimes naaawa ako kay quinny kapag sinasabihan siyang malandi o slut ni jb, kasi babae parin yan, at alam ko kung gaano kasakit sa ego ng mga babae yan..

"Ohhhh!!" narinig naman naming sigawan ng ibang estudyante, di ko napansin na madami na palang tao dito..

Ewan ko! Kung bakit pinasok ko ang gulo na to, samantalang mas maayos ang buhay ko nung di ako nadawit sa bagay na to..

***

Quiz naman namin ngayon sa math kaya etong si friendbee todo makakopya, para siyang giraffe na naeextend yung leeg para lang makakopya..tss! Ewan ko nga kung bakit nakapasok pa siya sa section 2.

"5 minutes left." sabi naman si Sir. Camulag..

Tapos na makakopya si friendbee, kaya mamaya bibilhan ko siya ng salonpas, mukha kasing nastiff neck yung leeg niya, kopyahera kasi..

"Times up, Now give me the papers." sabi ni sir camulag saka kinolekta yung mga papel namin.

"Thats all for today, goodbye section 2." sabi naman ni sir camulag.

"Goodbye Sir Camulag!" sabay sabay naman naming sabi..

Beep

Fr: Jb<3

Hi babe, how are you?

Ahhh! Kinikilig ata ako..

"Hanla! Friendbee, okay ka lang?? Ang pula ata ng mukha mo?" 0/////0 hala masyado ata akong obvious..

" Ahh hehehe, wala to. Rose cheeks talaga ako.." sabi ko saka nagtext na..

To: Jb<3

Hello babe, Im fine. How about you?

Sent


Feeling ko daig ko pa yung nanalo sa lotto ehh..


Nakakainis lang kasi di ko alam kung kakayanin kong I let go ang pagkukunwari namin sa huli, lalo pa ngayong mas nafafall na ako kay jb..

Sana kayanin ko..



To be continue..

____________________________________

A/N: Sa mga nagtataka kung bakit chapter 5 agad yung sumunod sa chapter 2 is because nagkaroon ng problema sa pagprocess ng publishing, skip niyo po muna yun, kasi inaayos ko pa po ehh, yun lang.. :)))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Jerk Fake Girlfriend! (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon