"Kung may balak ka na iwanan din ako balang araw, kalimutan mo na ang ideya na gusto mo pumasok sa magulo kong mundo. Di ko gusto yung ideya na maiiwan nanaman ako. Marami nang taong nawala at umalis sa buhay ko. Ayoko na uli maranasan yung laging naiiwan."
-Kenn-------------------------------
"Ha?" tanong ko sa kaklase kong lalaki, kanina pa 'to magulo eh.
"Tanong ko kung pwede ba kita maging kaibigan?"
"S-sorry." sabi ko sakanya. ang gulo gulo nya kanina pa. Ayoko sana na maging malapit sa mga bago kong kaklase, kaya ko naman mag-isa.
Ayoko ma attach. Most terrifying thing ang ma attach ka sa isang tao. Kasi wala kang kasiguraduhan kung mag sstay ba sya sa buhay mo o hindi.
"Ah... okay lang" sabi nya. Pero umupo parin sya sa tabi ko.
"Darren. Ikaw?" Sabi nya. Inalok nya sakin yung kamay nya, para makipag shake hands. Tinignan ko lang sya ng matagal...
Kasi seryoso ba sya? Makikipag kilala sya sa isang kagaya ko? Ako. Ako si Kenn. Yung laging nabubully. Yung hindi maganda. Alam nya ba yun?"Kenn."
"Nice meeting you." Ngiti nya.
Linayo ko yung upuan ko sa likod.May itsura tong Darren eh. Mainam siguro na nasa mas malayong upuan ako sakanya.
Kenn Yukimura. 19 years old. Adopted child. Mataba. Hindi kagandahan. Morena. No friends. Transferee. Higit sa lahat, hindi Japanese.
Pinipilit nyang makipag usap. Pero hindi ako nakikinig. Kinuha ko yung earphones, cellphone at libro na Abundance of Katherines.
BINABASA MO ANG
Beyond the Boundary
Short StoryIf you will be given the chance to go back into the past, will you go back? If you lost the one you love, will you do everything to get that person back? If time is your enemy, will you still continue? Will you go Beyond the Boundary? ** A story of...