Nung unang magkita-kita
Mga taong di magkakakilala
Kahit ngiti'y di maipakita
Pinangungunahan pa ng hiyaNang lumaon at naging magkakasama
Animo'y matagal nang magkakakilala
Magkaagapay sa lungkot at says
Kaibigang maituturing silaKalokohang pangungunahan ng isa
Gagatungan pa ng iba
Minsa'y problema ng isa
Problema na rin ng barkadaMinsa'y may di pagkakaunawaan
Lahat ay gagawa ng paraan
Maayos lang muli any pagkakaibigan
At sa huli'y masambit mga katagang,
"Walang iwanan"