Tumunog na naman ang bell sa school, ibig sabihin, bubully-hin na nanaman ako.
My name is Lady Hope, but most people call me Hope. Siguro mas feel nilang tawagin nila ko ng ganun. Isa akong mahina, mahinhin at duwag na tao. Hindi ko alam kung bakit nila ako binubully. Siguro dahil naiinsecure sila sa'kin.
May isang beses nga noon na nag-lakas loob ako na tanungin sila kung bakit nila ako ginaganun bagkus wala naman akong ginagawang masama.
*THROWBACK*
Nasa likod kami ng School at Birthday ng leader ng nang-bubully sakin. Nakakapagtaka lang kung bakit sa daming tao pa, ako ang pinagtri-tripan nila.
Kinakaladkad ako ng mga ka-grupo niya at ipinaluhod ako sa napakaduming sahig. Hindi pa nun nagsisimula ang klase. Habang nakatingin ako sa sahig ng walang lakas, naramdaman kong may papalapit sa akin. Pagtingin ko sa itaas, nakita ko si Sweetcel. Ang leader ng grupo na kung tawagin nila sa sarili nila ay "Pretty Assets Perfect" or "PAP.
Akala ko ng tumingin ako sakanya, naaawa siya saakin at titigilan na niya ako sa mga nakakasawang laro niya. Pero yun pala, Akala lang yun lahat.
Nilagyan niya ng flour ang ulo ko at binasag ang itlog sa buong katawan ko. Wala akong magawa kundi ang lihim na umiyak dahil sa sobra kong pagkaduwag at pagkahina.
"...and the last recipe is..." sabi ni Sweetcel "...Tadaaaaaa!! Syruppp!!" Dugtong niya.
At saka nilagyan ng Syrup ang buhok ko. Nag patuloy ako sa pag-iyak at ipinikit ang mga mata ko ng mahigpit.
Habang nagtatawanan sila sa akin, naglakas loob na ako na tanungin sila.
"Bakit mo ba 'to ginagawa sakin? May nagawa ba akong mali? May nasabi ba akong ikagagalit mo? Bakit Sweetcel?!.Bakit??!!!" Galit kong tanong.
"Gusto mong malaman kung bakit?" Sabi niya "Fine, because you're Lady Hope! You took everything from me! Kinareer mo na lahat eh! Ang pagiging Valedictorian mo! Lagi kang panalo sa Essay writing contest! Quiz bee! At ako? Palagi akong naiiwan sa 2nd Place! Talino mo kasi eh no?! Tapos gusto ka ng lahat! Lahat sayo boto, tapos ako? Naiiwan lang ako sa ere. Umaasa na balang araw, mangyari ng lahat ng nangyari sakin makabalik sayo. Yan ka eh! Hindi ka nag papatalo! And now?? Malalaman ko na lang na may gusto sayo si Chester?" Paliwanag niya "How could you?" Pagtapos niya.
"Cel... hindi ko naman sinasadyang..." hindi niya ko pinatapos sa sasabihin ko.
"Hindi mo sinasadya? So pinapalabas mo na ako ang masama? Na ako ang kontrabida?!" Sigaw niya sakin.
"Hindi yun sa ganun Cel! Hindi ko naman alam na nasasaktan na kita eh, ibinabahagi ko lang ang sarili ko sa klase. Kung sa tingin mo na kakompetensya mo ko, nagkakamali ka. Kaibigan kita. Ayaw kong makasakit ng kapwa ko. Sana mapatawad mo ko".
Humingi ako sakanya ng tawad sa lahat lahat kahit na alam kong wala naman akong ginagawang masama.
Umalis siya kasama ang mga kaibigan niya papunta sa klase. At ako naman, pumunta sa ladies room para maligo at magbihis ng damit.
*END OF TB*
Natapos ang araw at hindi ako masyadong kumibo sa klase. Hinayaan ko si Cel na magrecite hanggang sa gusto niya.
Tumunog na ang bell, ibig sabihin. Uwian na. Umuwi ako samin ng 6:00 pm. Kadalasan kasi akong umuuwi ng 4:00 ng hapon. Nadatnan ko sina Mama at Papa na naghihintay sakin sa labas ng bahay. Halata sa kanilang mukha na nag-aalala nanaman sila sakin. Bumaba ako ng taxi at dumiretso na sakanila.
TBC.
[A/N:] Minsan, kung mag-away kayo ng mahal mo, kahit wala kang kasalanan, ikaw na humingi ng tawad. Nasa pride kasi yan kung tutuosin eh. Lahat ng bagay dumedepende sa takbo ng isip ng tao.
More on FINE! :) ty for reading.
BINABASA MO ANG
Forever Is Never Enough
RomanceKung Pag-ibig rin lang naman ang pag-uusapan, kulang ang isang araw, isang linggo, isang buwan, isang taon o ilang century pa man yan. FOREVER? Kung tatanungin ka, naniniwala ka ba dito? Sa Love, isa lang ito sa mga common words ng mga sweet couples...