Chapter 2

21 0 0
                                    

  Ang Utos...

Jhon's POV

Kararating ko lang ng school, papunta na ako ng classroom namin ng tinawag ako ni Bryan.

"Jhon pare! Kaklase mo si Bella diba?"

"Bella? Sino yun?"

" Bella Mendoza pre, kaklase mo yan. Send my regards to her please."

"Sure pre" at tumuloy na ako ng classroom.

Pagdating ko ay agad kong hinanap yung Bella Mendoza... "Sinong Bella?" Sinigaw ko sa classroom ng nakatingin sa kung saan lang

"Me, why?" Yung Bella yata

"Ikaw ba si Bella Mendoza? tanong ko

"Oo, bakit?" Malimit nyang sagot

"Regards raw sabi ni Bryan"

"Bryan na naman? Ayeeeeee" yung bestfriend nya. Si Bella naman ay nag smile lang at wala ng sinabi. Ako naman ay dumiretso na sa upuan ko at nakipag kwentuhan dun sa mga kaklase kong makukulit.

Dumating na teacher namin at nag simula ng magklase, di ko mapigilan ang sarili kong tingnan si Bella, nasa may harap kasi sila nung bestfriend niya. Bella pala pangalan nya. Ang gandang pangalan... parang siya.

Nang matapos ang first subject namin ay nakatingin pa rin ako sa kanya, nagsisimula na naman silang mag usap ng bestfriend niya. Di ko man alam ang pinag uusapan nila pero natutuwa at natatawa ako habang pinagmamasdan siyang tumatawa. Bigla nalang silang mag bubulungan tapos tatawa ulit ng malakas. Ang saya nilang tingnan.

Dumating na ang next teacher namin at pasimpleng ko siyang sinusulyapan hanggang sa matapos na ang buong klase pasulyap sulyap lang ako sa kanya.

Umuwi na ako at ginawa lahat ng kailangan kong gawin. Nung gumabi na ay naiisip ko si Bella, hindi ko maintindihan kung bakit pero masaya ako na naiisip siya at excited akong dumating ang bukas para makita siya ulit. Sana maging magkaibigan kami... yan ang huling nasa isip ko bago ako matulog.

A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon