May unwritten rule naman tayo eh, kung nahawakan na ng isa, wag na sanang kunin ng iba. Lalong-lalo na kung bestfriend mo pa.
Ako nga po pala si Shampagne Dizon, 18 na taong gulang. Ako ay nag-aaral sa University of the Philippines, 2nd year college na ako at ako ay nag-iisang anak nina Clemens Dizon at Dwayne Dizon. May bestfriend ako na tinuturing ko na rin siyang kapatid. Siya si Samantha Claire Alcantara. Matagal na kaming magkakaibigan dahil kaklase kami noong elementary pa kami hanggang hayskul. Close na close na talaga ang aming mga pamilya. Minsan, sa bahay siya matutulog minsan ako din sa ka nila. Palagi kaming nagma-mall at palagi kaming nagta-travel. Ngayong college na kami, hindi na kami magka-klase dahil ang kinuha niyang kurso ay Med-Tech at ako naman ay Engineering. Pero palagi pa rin kaming magkakasabay patungo sa eskwelahan. Nagtutulungan kami sa mga gawain namin, gaya ng mga projects at assignments namin. Para na talaga kaming magkakapatid, ayaw namin na may tinatagong sekreto ang isa't-isa. Pag may problema, lovelife man o family problems, naghahanap talaga kami ng solusyon upang hindi malulungkot at makadama ng sakit ang isa't-isa namin.
Sa School (Habang nasa Canteen)
Ako: Oy Claire! Andito ka lang pala. Kanina pa akong naghihintay sa iyo sa may tambayan nating dalawa (sabay palo sa ulo)
Claire: Oy tanga! Sabi mo kanina dito tayo magkikita (sabay kurot sa mukha ko)
Ako: Ah kaya pala. Sorry po! (chichay style) HAHAHAHA! (umupo na)
Claire: Oy bhe! Tingan mo yung crush mo oh! Pawis na pawis! Ang hot niya promise. Ayeeee (Sabay kiniliti ako)
Ako: Oy tigilan mo yang kalokohan mo huh? Baka makakahalata na talaga siya. Lagot ka sa 'kin.
(Ay nakalimutan kong ipapakilala sa inyo ang ultimate long time crush ko, Siya po pala si Timothy Clein Estrada, 2nd year college na rin siya. Unang kita ko sa kanya ay noong first year pa kami, enrollment yun tas nagkabanggaan kami dahil tumatakbo ako at siya naman ay nakatalikod tapos pagharap niya grabe ang gwapo niya ta's pinulot niya ako sa sahig dahil lakas ng pagkauntog naming dalawa. Doon nagsimula na nagustuhan ko siya pero ang lungkot nga lang naman dahil siya ay yung tipong lalaki na pag hindi mo kinakausap hindi ka rin yan kakausapin. Siya ay malinis, matangkad, matalino, gwapo, sporty, talented at mayaman din. Siya ay varsity player sa basketball team nila. <3)
**May laro na sila crush sa susunod na linggo! Ayeee, excited na excited na talaga ako. Pagdating sa kanya, wala talaga akong absent. Oyy baka akala niyo pagdating sa klase, palagi akong absent huh? Hindi ah! Syempre focus din naman ako sa studies ko. MABAIT AKONG ANAK! :D
Okay, papunta ako ngayon sa bahay ng bestie ko dahil Monday ngayon pareho kaming may klase ngayon.
**After 20 mins na sa school na kami.
Claire: Oy best, samahan mo muna ako sa Library may hihiramin lang akong libro.
Ako: Sige best, pero bilisan lang natin huh?
Claire: Ou best, Pomise!
Papunta na kami sa Library...
Pagpasok namin sa lib dumiretso na ako sa may table habang si Claire ay naghahanap ng libro. Pagtalikod ko nakita ko si crush pumasok. Goooosh! Kalma lang Shampagne kalma! Ang gwapo niya talaga waaaaaah! Papalapit siya sa akiiiin. Nandito na siyaaaa. Ang ballpen ko nahulog sa sahig ta's ako titig pa rin ng titig sa kanya, malapit na talaga siya sa akin, pinulot niya ang ballpen ko ta's binigay niya sa akin habang ako nakatitig pa rin sa kanya at walang kibo, ANONG NANGYARI SAYO SHAMPAGNE!
Siya: Miss? Ballpen mo oh, nahulog.
Ako: (Hindi ako nakapagsalita nang maayos) Aaaa aaa ou sa akin yan nahulog, aaaa aaaa salamat.
BINABASA MO ANG
Bakit sa lahat ng babae, bestfriend ko pa? </3
Teen FictionTayo ang may gusto pero bakit iba ang kanilang gusto? SAKIT ISIPIN DIBA LALONG-LALO NA KUNG BESTFRIEND MO PA </3