Sa taong 1968 nag-aaral ang aking ama ng grade 1 sa Tugas Elementarya School at nakatira din sa Tugas,Tanjay City Negros Oriental. Ang aking ama ay may magandang storya merong kunting Aksyon,Drama at Lovelife at ito ay sa totoong buhay talaga kaya sa nagbabasa nang aking kuwento sana ipagpapatuloy ninyo ang pagbabasa.
Habang ang aking ama ay nag aaral ng elementarya siya ay tumutulong na sa kanyang mga magulang sa napakamurang edad. Tumutulong siya sa pagkuha na ng pagkain galing sa dagat gaya ng Talaba, Sisi at iba pang produktong galing sa dagat. Ang nakalipas ng ilang buwan hindi nila inaasahan may aksidenteng naganap, nasunog ang kanilang bahay at napilitan nalng silang lumipat sa bukid. At doon nalang siya nakapag patuloy sa kanyang pag - aaral. Ang kaniyang pamumuhay sa bukid, siya ay nag - aalaga ng ibat - ibang mga hayop gaya ng manok, kambing , kalabaw , kabayo at iba. Habang nag - aaral ng grade 2 ang mga tao sa kanilang bukid ay napahangga dahil akalain mo sa mura niyang edad siya ay marunong ng sumakay ng kabayo para lang makatuwid ng dalawang ilog at napakalayong daan na umabot sa 4 na kilometro ang layo para lang makapag aaral.
Ang buhay niya ay napakahirap talaga kaya napiltaniyang gumawa sa ganitong mga bagay. Tuwing sabado at linggo o wala siyang pasok tumutulong siya sa pagbabaol sa bukid at sa kasamaang palad hindi inaasahan sa kanyang sinasakyang kabayo siya ay naaksidente . At doon siya ay nakapag hintong pag - aaral dahil lumala ang kanyang sakit halos hindi na siya makalakad sa sakit . Nahinto ang aking ama sa pag - aaral ng 4 na taon at nakalipas na ang apat na taon lumuwas nalang sila ng kanilang pamilya ng lungsod dahil sa panahon na iyon ay nagsisilabasan na ang mga rebelde at hindi gusto ng kaniyang ina na sumali sa giyera ang kanying ama at isa sa mga trabahador nila ay naaksidente sa kanilang kaniyogan at nasawi ang buhay at narihan nalang sila sa lungsod sa bahay ng kanyang lola, kasama ang pamilya niya . Nagpatuloy siya sa pag - aaral ng malayo sa kapamahakan.
Pag dating ng pasokan ang aking ama ay nag - aaral na sa Plaza Central School ng grade 3 habang nag - aaral tuwing alas 4 ng madaling araw ang aking ama nag - iigib ng tubig gamit ang isang kareton at ito ay napaka ingay halos mabulabog na niya ang mga tao sa kanilang tulog, siya ay sinasabihan ng ''Hoy! bata! ang ingay ng dinala mong kareton! pero wala siyang magawa dahil para sa kanilang pag ligo araw araw ang tubig at para may mainom na tubig kailangan talga niyang gumising ng maaga dahil mag aagawan ng puwesto sa pag - iigib para maka igib ng tubig , pero yung iba hindi na niya kailangan mag antay ng matagal siya ay pinapauna sa pag - iigib dahil naawa ito sa kanya . Pinag patuloy niya ang pag - aaral hanggang sa nakatapos ng pag - aaral ng elementarya.
BINABASA MO ANG
Ang buhay ng aking Ama
RandomItong kuwento na to ay buhay ng aking ama. At isinulat ko ito para makapag bigay inspirasyon sa lahat ng maka basa nito, sana maka pulot po kayo ng aral. At intindihin ninyo nalang ang pagsasalaysay ko sa kuwento dahil itoy talagang napaka taas at...