ONE SHOT.

100 5 0
                                    

[ADDISON's POV]


"60-62 Lamang at nangunguna ang 2nd year ngayon"-Emcee


Intrams nga namin ngayon. So ayun mainit napaka sumasakit na ulo ko pero tinitiis ko pa din chinecheer ko ung year level ko at saka naglalaro din kasi si Xander 

Basket ball player siya since freshmen, 2nd year college lang siya ako 3rd year. Same age lang naman din kami pero older ako ng ilang ar--


"GO TIU I LOVE YOU BAEEEE" 

"TIU AKIN KA NALAAAAANG"

"GALING MO XANDER PAKISS" 


Sabi ng mga  babae sa harap ko 

Madami talagang nagkakagusto sa kanya. He has the looks, he's also smart and plays basketball well diba full package kulang nalang ipadeliver niyo siya sa bahay namin para matuwa ako sa inyo. haha


"Addi."-Liningon ko ung bestfriend ko tawag ako ngayon. 


"GRABE ADS ANG GWAPO NG BABY MO PWEDE BANG SHARE NALANG TAYO?"-Tinaasan ko lang siya ng kilay 


"hmm? ayos lang~"-sabi ko sa kanya


"baliw joke lang mukhang iiyak ka na eh haha dun nalang ako sa bestfriend niya gwapo din naman diba?"-Tanong niya sakin, nag nod lang ako at ngumiti 


Hindi ko naman siyang gustong gusto ung parang patay na patay na. I just like him because... di ko din alam hindi ko ma explain. Kilala ko na siya since first year siya pinagkakaguluhan kasi siya ng mga babae eh kaya nacurious ako kaya nakisilip lang ako. Then I saw him. Gwapo nga siya, Cinito matangkad pero mukhang masungit, di niya pinapansin ung mga babaeng pa cute sa kanya at hindi ko siya nagustuhan agad agad. Di naman kasi ako naiinlove agad siguro atrracted lang pero hindi pa like. Matatapos na ung game last quarter na kasi at 2 minutes nalang natitira, tie narin ung score nila. Tinignan ko ung phone ko kasi may nagtext, galing kay prof pinapapunta ko sa office niya,naglalakad ako naala ko ung time na una kong nakilala si Tiu. 


[FLASH BACK] 


Recess time nun at wala akong kasama. Iniwan kasi ako ni Sophie eh. So ayun naglalakad akong mag-isa papuntang Canteen, iniisip ko narin kung anong kakainin ko. 


"Ate isang order nga sa meal 1"-Sabi ko kay ate, inabot na niya sakin ung pagkain ko, inabot ko narin pati ung bayad ko. Ano ba yan di gusto ung side dish ko. Ubos narin kasi ung gusto ko last na daw ung sa lalaki kanina. 


Naglakad lakad ako kasi wala ng maupuan puno ung canteen. Trinay ko din na makiupo pero ayaw nila. Napabuntong hininga ako kasi kanin ung pagkain ko at di naman pwede ako kumain sa damuhan napaka rami kasi ng langgam dun. Kahit nakakahiya Lumabas ako ng canteen at dun sa gilid ng hallway wala naman kasing masyadong nadaan dun ko naisipang kumain nalang. Umupo nako, pero kung minamalas ka nga naman biglang madami ang dumaan. Pinagtitinginan nila ko na parang bawal akong kumain, di ko nalang silang pinansin kasi nagugutom din ako sinaksak ko ung earphones sa tenga ko para naman ma feel ko na di ako nag-iisa. 


Sa sobrang seryoso ko di ko namalayang may katabi na pala ko. Nilingon ko siya at nakitang kumakain din siya sa tabi ko. Nginitian niya ko kaya ngumiti nalang din ako. 

Jail BoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon