"Kyaaaaaaaaaa!" >o<)\m//
"Ay niletchong aso! Ano ba Jolens?" Nagulat naman ako dito sa pagtili ng bruhang katabi ko habang hawak hawak ang cellphone nya na para atang may nabasang kung anong nakakabigla na ikinadahilan ng pagtili nya.
Ang kapal din ng fes nitong may tililing na kaibigan ko eh no? =.= nasa classroom po kasi kami eh!Paano kung marinig sya ng mga teachers sa kabilang room?
Edi napahamak na naman ang section namin ng dahil na naman sa kanya? Psh! Joleen talaga ow! -.- At antahi tahimik pa ng katawang lupa ko ditong nagbabasa ng Diary Ng Panget eh bigla ba naman daw akong yugyugin? =__=
"yung... yung..." *gulp* "oh jolens ang puso" pangaasar ko with matching pahimas himas pa sa likod nya pero sya naman tinanggal ito.
"lesshe! Wala akong sakit sa puso! =.="
"Eh ano ba naman kasi yun eeh?" sabi ko sabay lapag ng libro sa table ng armchair ko
"yung... Yung..."
"Naknangtokwa! Tapusin mo na nga!" =.=
"wait! Wait! Let me breathe first! Inhale, exhale, inhale, exhale, inhale, ex--" Hindi ko na hinintay pa kung anumang katopakan yung sasabihin nya. Yumuko na lang ako at nagsimulan matulog "Ai Sige Mcae! Bastusan!" iritatted na sabi ni Jolens kaya naman sinagot ko sya "Eh kung kanina mo pa kasi sinabi Edi mas masaya!" "Hay naku naman! Eto na nga, eto na! Gumising ka na nga at sasabihin ko na" inangat ko naman ang ulo ko ng bahagya, yung tipong mata lang ang nakikita sakin?
"Spill it"
"YUNG SUPERBOYS NASA FLAG RETREAT MAMAYA!" sigaw ni Jolens at sa ginawa nya ay ayun nagsitinginan ang mga kaklase namin and commotions followed. "Huwaaat?!" "Honto?!" "Seriously?" "OMGosh! Really?!" Anubayaaaan! Mas lalo tuloy nabulabog ang tahimik kong buhay! Ang ingay na kasi lalo eh. Tumayo na lang ako at lumakad papalabas ng room. Iniwan ko na yung magaling kong bestfriend sa classroom habang pinapalibutan sya ng mga ito at nagpapaliwanag dito na para bang may kasalanang ginawa. Geez! For Ironman's sake! Bakit ba kasi ganun ka Adik ang mga yun sa SuperBoys Eh -.- Ano ba naman kasi ang meron sa kanila? Eh tao lang din naman sila ah? =3= Buti sana kung mga super nilalang talaga sila. Yung tipong nakakalipad, nagiging invisible, may lazer beams sa kamay, nakakatakbo ng mas mabilis pa sa ilaw o nakakahinga sa ilalim ng dagat, nakatira sa pinya at nakasuot ng parisukat na pants habang nagluluto ng krabby patty at isini serve sa mga isda diba? Kung ganyan talaga sila edi sana isa na ako sa mga nagkakagulo sa kanila =o= Osige na! Ako na old school! E sa ayoko talaga sa mga ganyang klase ng mga pakyut groups eh. Let's just say na di lang talaga ako na iinfect ng kamandag ng mga ngiti, kindat at charms nila. Feeling ko kasi mas feminine at mas pakyut pa sila kaysa sakin, kaysa sa mga babae =.= Yes oyes! I'm Mcaela Andalleon isang third year highschool student ang hindi fan ng SuperBoys! Imposible? No, it's possible and i'm a proof. But don't worry i am not an anti din naman eh tsaka di lang sila ang kinaayawan ko pati na rin yung rival group nilang Dream Boyfriends. Odiba? Ang babaduy ng mga pangalan nila? Yung isa mga Super nilalang daw yung isa naman feelingero much? Tch! Mas pogi pa sa kanila si Phineas and Ferb eh -o- Eh paano wala silang ibang ginawa kundi pumorma at magAngas. Wala silang talent! Oo nga they can dance but hindi naman sila sing gagaling nina chachi o ng jabbawokeez eh =...= Seesh~
Pagkalabas ko ng classroom namin bumili lang ako ng isang fourseason juice sa Vendo Machine sa Second floor ng building namin. Binuksan ko na ang juice at sa isang tungga ay halos ubusin ko na yung juice kaso... /boogsh-boogsh/
"Ay tae! M-may paparating! O_O" hala, baka teacher? Nasa first floor pa lang kasi yung taong paparating eh kaya halos buhok lang amg nakita ko pero parang babae. Sa gulat ko ay nabitawan ko yung lata ng juice! Uh-oh! Paktay kang bata ka! Nabuhusan ko yung taong paparating ><
"Aaaaaaaaah!! Sino?! Sinong may gawa nito?!" "Eek!" Napakaripas ako ng takbo dahil sa takot na baka maabutan nya ako >< Takbo ako ng takbo pabalik sa room. "Argggh!" "kyaaa!" >< rinig na rinig ko na ang papalapit na yabag nung natapunan ko ng juice! Amf!! >< Sa takot ko ay binilisan ko na lang pagtakbo at yumuko at hindi lumilingon. Takbo lang! Bilisan mo pa Mcae! ><
Ay fotek sa sobrang bilis ng pagtakbo ko plus being unaware eh may nabunggo na pala Ako ><"
"Aw!" "Aah!" Gurabeyy! Hansakeeet! Nahulog ko pa yung kung ano. Dadamputin ko dapat yun kaso pareho pa kaming nagtangkang damputin yung kung anumang nahulog ko kaya nagkauntugan pa kami! >< "Aray!" "Ouch!" "Hoy! Mahuhuli din kitaaaa!!" "Ay naku po!" tumayo na agad ako kasi narinig ko na yung sigaw nung babae. Umalis na ako without asking apology sa nakabangga ko at di na rin ako nagbother pa na damputin yung kung ano pa namang nahulog ko "Miss? Saglit sayo ata 'to" pahabol na sabi nung lalaking nakabanggan ko pero hindi ko na lang sya pinansin at kumaripas na lang ako ng takbo pabalik ng room ko. Gosh! Why so Malas ko today?? ToT
At sa wakas nakikita ko na yung room ko! Yes! I'm safe! +o+ Halos maluha ako sa sobrang saya ko!
(T u T) At nung nahawakan ko na yung pintuan ng room namin ay walang ano ano'y binuksan ko na ang pinto at sinara uli.
"PHEW!!" sa wakas! Nakatakas na din ako!!
----
LOVE? Sabi sa dictionary it is a fond, deep, tender feeling; to like very much.
Sabi naman sa bible Love is patient. Love is kind. It does not envy, it does not boast. It is not proud; it is not rude; it is not self-seeking. It is not easily angered; it keeps no record of wrongs. Love does not delighted by evil but rejoices with the truth. It always protects; always trusts; always hopes; and always perseveres.
Sabi naman sa kanta ni Yeng ang Love daw hindi parang cellphone at hindi parang damit na pag may bagong uso papalitan. Na ang Love daw ay hindi parang pagkain pag pinagsawaan ay ipamimigay na lang at hindi din daw parang pusa na pag maingay ililigaw na lang.
Ano ba talaga ang Love? Ay ewan ko. Unang una sa lahat di ko pa yan nasubukan. Wala akong idea sa kung gaano kalawak ang ibig sabihin nyan at saka isa pa, isa kasi akong lovelorn. :(
Isa lang naman ang gusto kong malaman. Hindi ko kailangan ng madaming definition kasi di ko maihambing sa nararamdaman ko. Ang gusto ko lang malaman ay...
Kung Love na ba talaga 'tong nararamdaman ko? At kailan ba mawawala sakin ang adjective na nagde-describe ng pagiging isa kong lovelorn? Kailan? :(
