Title: "BF"
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
“Matagal ka pa ba diyan Calvin?” naiinip na tanong ni Gideon
“Saglit na lang ‘to. Minsan lang to mangyayari kaya dapat gwapo ako.” sagot ko habang nakaharap sa salamin.
“Ikaw pa ngayon nagpapahintay sakin. Lagi ka namang gwapo.”
“Patience, Gideon. Syempre dapat gwapo ako for you.”
Nilapitan ako ni Gideon at niyakap.
“Ok na nga. Tayo na, naghihintay na sila sa labas.”
*****************************Five years ago…*****************************
“May ginagawa ka?”Tumawag sakin si Gideon. Mukhang may problema na naman ‘tong lokong ‘to.
“Saan?”
“Dun sa dati.”
High school pa lang, magkaibigan na kami ni Gideon. Classmates kami simula first year. Dati ay marami kami sa barkada pero mula ng pareho kami ng pinasukang school sa college, mas naging close kami. Ngayon ngang second year college students na kami, lalo pa tumibay at mas lumalim pagsasamahan namin. Usually pag tumatawag yan sa disoras ng gabi at gusto makipagkita, may problema yan. Sanay na kong bigla na lang siyang tatawag at mapipilitan naman akong iwan kung anuman ang ginagawa ko at puntahan siya.
“Ano problema?” Pagdating ko sa lugar kung saan kami madalas magkita, nandun na si Gideon, nakasandal sa puno.
“Nakipagbreak siya sa akin,” mahinang tugon ni Gideon.
“Sino?”
“Sino pa ba? Para namang ang dami kong girlfriend. Calvin naman eh. Inaasar mo pa ko,” mangiyak-ngiyak na sagot ni Gideon.
Inakbayan ko siya at tinapik ang balikat niya. “Ito naman, pinapatawa lang kita. Ikukwento mo ba?”
“Masyado daw akong maloko. Parang hindi ko daw kaya magbago para sa kanya. Feeling niya hindi ako nag-aaral ng mabuti at walang plano sa buhay.”
“Pinaliwanag mo ba side mo?”
“Para saan pa? Eh ayun na ang tingin niya sa akin. Ang nakakainis lang, nakilala na niya akong ganito tapos ngayon bigla siyang magrereklamo.”
“Pano yan? Hindi ka na makikipagbalikan?”
“Alam mo namang hindi ako nakikipagbalikan kapag alam kong wala naman akong ginagawang masama.”
Hindi na ko sumagot pa at tumabi na lamang sa kanya. Humiga siya sa balikat ko at nagsalita ng marahan.
“Mukhang ikaw na naman ang mag-aalaga at magtitiyaga sa ‘kin. Unless hanapan mo agda ako ng bagong girlfriend.” Medyo ngumiti siya habang nagsasalita.
“May choice pa ba ko?”
“Eh kung tayo na lang kaya?” anyaya ni Gideon.
Tumayo si Gideon mula sa pagkakahiga niya sa balikat ko at humarap sa akin.
“Gago ka, sinabi nang wag kang magloloko ng ganyan eh. Papatulan kita.” Naiinis kong sabi sabay palo sa braso niya.
“Joke lang. Hoy ikaw Calvin, subukan mo kong iwan, ipagkakalat ko sa campus na bading ka.”