Be my boyfriend for a Month

463 14 4
  • Dedicated kay Justin Dean Carreon
                                    

Deal or no deal? Sana magustuhan nyo. First time ko lang sumulat ng storya e.

Mahal kita walang iba, Ikaw ang aking prinsesa isang linya na magpahanggang sa ngayon ay nagpapangiti sakin, isang sentence na nagpatibok sa puso ko ng paulit ulit. May mga bagay na kahit siguro angkinin mo kailanman di magiging SAYO lalo na kung ang pagitan nyo e ilang libong kilometro. Masasabi mo bang mahal ka talaga ng isang tao kung di pa kayo nagkikita? magiging matatag ka ba kahit na Long Distance Relationship kayo? Kakayanin mo bang ipaglaban sya kahit na madaming bagay ang gumugulo sa inyong dalawa? Kaya mo bang sabihin sa kanyang Mahal mo talaga sya? E paano kung deal lang pala lahat? 

Epilogue: Ako ang narrator at ako ang bida, May mga kontrabida ba? Meron siguro di ko pa napagiisipan. May Isang babaeng naghahangad na maging masaya ang buhay, Isa syang fangirl at isang social networking site addict parang kayo din, isang teenager na naghahanap ng pagibig at dito magsisimula ang Lovestory nya.

Hi! Ako nga pala si Andrea, Kilala ko ng iba bilang Andy kasi yung ang Username ko sa twitter, Isa akong photographer, Mahilig akong kumuha ng pictures, Isa akong Paranoid at iyakin na babae, madami akong kinahuhumalingan na lalaki, ako yung nahuhumaling hindi sila HAHAHAHA! Ano pa ba, Di ako kagandahan sadyang nagmamaganda lang ang lahi namin, Stick to many ako, Di ako makati sadyang friendly lang (makapalusot lang) Isa akong babaeng madaming pangarap sa buhay, isa na dun e makapangasawa ng mayaman or maybe sikat para di ko na kailangang magtrabaho sila na bahala dun HAHAHAHA! Pangarap ko din maranasang mainlove sa taong mas inlove pa sakin naranasan ko ba yun sa tingin nyo?

Chapter 1 (Dean my Love)

Paggising sa umaga bubuksan ko na yung twitter ko ichecheck ko muna baka may tweet si Papa dean, (May ultra super mega Crush sa twitter) Check.... Check.... Scroll.... scroll pa isa pang Scroll... At ayun may nakita akong post nya Mairetweet nga, ayun naretweet ko na finavorite ko pa. Super mega fan na yata ako ng kapogian nitong lalaki na to, he's like an angel nako mamatay na nagsasabing panget sya, mapapatay ko literally papatayin ko sila. 

"DeanCarreon twitted: Ang cool lang nung babaeng inaccept ko sa Fb, Ang cool lang"

Me: Sino kaya yung ang sakit naman sa bangs huhuhu, Maglalaslas na ko (Dahil ako si gaga feeler chineck ko fb ko baka kasi mamaya ako yun baka ako lang naman)

9 notification 39 friend request 3 messages

Wow matagal na din pala kong di nag ffb kasi naman e, busy ako kakacheck ng twitter ni dean tiningnan ko noti ko at sa gulat ko nalack jaw ako "Justin Dean Carreon Accepted your friend request" Shiiiiit! totoo ba to. inaccept ba ko ng myloves ko? o lord kill me now, So nagtweet ako sabi ko "@DEANCarreon thanks sa pagaaccept kinilig ako" Finavorite nya o my! HAHAHAHA! this is the luckiest day of my life. Halos magkaputol putol na yung braso nung mga kaklase ko nung nalaman nila na inaccept na nga ako ni dean sa Fb. Pagkauwi ko sa bahay syempre open Twitter na naman ako yun lang kasi talaga nagpapaganda ng araw ko sa buong araw ng nakakastress na pagaaral, aral here aral there aral everywhere naranasan nyo na ba yun? nakakastress diba?

Kinabukasan....

Kevin Lopez & 8 others Follow you

Naku sino naman tong mokong na to, de chineck ko yung account nya aba daming followers a, peymus siguro to, tiningnan ko picture wow! Gwapo laglag puso ko ay mali panga lang pala kay dean lang malalaglag ang puso ko no. Finollowback ko sya, naku type siguro ko neto (ngiting feeler) Makapagtweet nga sabi ko 

"You are my sweetest downfall #JDC" Syempre maarte ako de kailangan may papansin konti hahaha! Ay di na yata online si myloves huhuhu 1 am na kasi e. syempre ang mga pogi nagbebeauty rest din. Di na nya to mababasa (Emote konti) Nagwish ako nun sabi ko "Lord alam ko pong madaming humihiling kay dean kasi po pogi na sya mabait pa sya sana po lord mapansin nya ko one day AMEN" 

Be my boyfriend for a MonthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon