Ngayon sa panahong ito, hindi na masydong uso ang panliligaw..
Marami dinadaan na lang sa cellphone, FACEBOOK, twitter, at marami pang iba.
Ngunit papaano kung ang gusto mong ligawan ay HARD TO GET, or MARAMI ding nanliligaw na iba.
Ano nga ba ang pede mong gawin para mapansin ka niya?
May alam akong isang paraan at tinawag ko tong...
"REVERSE PSYCHOLOGY"
.walang basagan ng trip, yan ang naisip ko e :p
pwede tong gawin ng kahit na sino ang kaylangan lang naman is self confidence at faith!
at medyo mahaba ang process depende sa confidence mo :D
gusto mong malaman paano?? ..
ui..
desperado/desperada ka na ha.
ocge eto na..
STEP 1:
HINDI PA FRIENDS:
kung ang minamahal mo ay hindi mo pa kaybigan. pwes. make friends muna sa knya, haha but don't show any motive na pwede nyang isipin na may gusto ka sa knya! yan ang isang pinkamahalaga. Y? dahil masisira ang ating mga plano :P Pero kung sya ay kaybgan mo na. skip ka na dito. :)
Kaybiganin mo muna sya at kunin ang loob, tska mo sunggaban, just joking :P You need to make sure na hindi ka lang kakilala, kundi KAYBIGAN. someone na kapag kailangan nya ng karamay ay dadating ka. Like YOU'RE THE KNIGHT AND SHINING ARMOR nya!.
Bakit?
Malalaman mo dn mamaya :p
STEP 2:
Kung nagtagumpay ka na sa step , or matagal ka nang ganun sa kanya (ADVANTAGE) ay pwede na tayong pumunta sa tinatawag kong "ROOTING" haha bakit? dahil dito mas iaattempt natin na palalimin pa ang inyong pagsasamhan from a friends to CLOSE FRIENDS.
Dito ang pinakafoundation nang ating strategy, bakit? dahil kapag mababaw ang ugat, masasayang lang ang pinaghirapan mo at ang worst... PWEDENG MAWALA LAHAT NG MERON KAYO! kaya handa ka pa bang ipagpatuloy to? hindi naman ako namimilit but " I'D RATHER FAIL BY TRYING THAN TO FAIL WITHOUT DOING ANYTHING ".
so I assume na gusto mo kaya binabasa mo pa din to.
so back to the road, kaylangan ikaw ang kaybigan na pag nawala ay hahanapin niya, kapag nagtampo ka ay di sya magiging mapakali, kapag nadapa ka ay tatawanan ka lang (may kilala kasi akong mga ganyan e). In other words, kaylangan isa ka sa mga importanteng tao sa kanya. Oo mahirap to sa simula, dahil pwede ka niyang ireject pero kung sya ba worth fighting for. why not? :D
May ilan akong ibang alam na way para sa ganyan.
1. Lagi mo syang kamustahin. Minsan ganyan ang tao, kaylangan iparamdam mo na visible kang kaybigan para ma appreciate ka nila.
2. Wag msyadong maging pormal. ok lang na maging rude paminsan-minsa, dahil ang totoong kaybigan ay hindi nahihiya. haha minsan mas makapal pa nga sila kaysa sayo, (REMEMBER, ang target natin ay maging close friend ka) kung ikaw ang mahihiya, paano kayo magiging close?
3. Tell her/him your secrets (lalo yung mga nakakahiya). Siyempre isa pang aim natin ay maging komportable kayo sa isa't-isa. Isa sa magandang foundation ng relationship ay bestfriend niyo ang bawat isa.
4. Kung mayroon siyang mga kapatid ay idamay mo na din. Kung baga sa negosyo, kapag nagustuhan ng mga mamimili ang produkto mo, sila na mismo ang magiging advertiser mo. Kapag nagustuhan ka ng mga kapatid niya, good sila na mismo ang isa sa magiging tulay mo :)
Marami pang way, marahil ang iba hindi ko alam or hindi ko na lang maisip ngayon :D
STEP 3:
Eto na ang pinaka super duper everlasting crucial part ng steps, pwede natin itong tawaging " THE LETTING GO " bakit? dahil dito na papasok ang reverse psychology.
Kung tingin mo ay malalim na ang ugat na nagawa mo sa buhay niya at mahalaga ka na sa kanya. pwede mo na tong gawing NGUNIT! paalaala, pwede syang mawala sayo sa part na to.
bakit?
Dahil ikaw ang lalayo sa kanya. Confuse?
Simple lang..
1. Unti-unti mo syang iwasan, wag biglaan. Kaylangan maramdaman niya na unti-unting may nagbabago sa inyo. (PINILIT MONG MAGING CLOSE KAYO TAPOS LALAYO KA?) dahil ibabaliktad natin ang sitwasyon. Kung talagang mahalaga ka na sa kanya ay hahanapin ka niya (pag hindi malas mo) at kung dumating ang time na tanungin ka na niya kung bakit ka naiwas, ito na ang pinakahihintay mong pagkakataon.
2. Oras na para ipagtapat mo ang pag-ibig mo sa kanya, ngunit sa madramang paraan. Ang sasabhin mo ay hindi mo na mapigilan ang nararamdaman mo para sa kanya kaya kailangan mo nang lumayo, masydo ka nang na fafall sa kanya. (REMEMBER wag mong sasabihin dahil mahina ka, or hindi ka deserving. kung sa negosyo hindi mo sasabihin sa mga customer ang mga panget na side ng produkto mo dahil hindi nila yun bibilhin.) Kung may luha na papatak mas dramatic.
3. At ang huli, mag pray ka na malalim na talaga ang root mo kanya, dahil kung hindi mabubuwal lang ang matagal mong pinaghirapn, NGUNIT kung malalim na.. CONGRATULATIONS! siya mismo ang pipigil sa paglayo mo dahil na reverse mo na :D MAHAL ka na din niya. :))))) hindi ka naman niya siguro pipigilan kung hindi di ba?
So ayan ang isang way na pwede mong gawin.
Ngunit wag sana nating gamitin sa masamang intensyon ha. Pahalagahan natin ang bawat isa at irespeto ang pakiramdam ng kapwa.
Kung nagustuhan niyo to. Share niyo sa iba. :) Salamat! GOD bless :)
BINABASA MO ANG
Paano magkakagusto sakin si Crush, Friend, Best Friend? (Reverse Psychology)
RomanceIf you are looking a way pano maiinlove si crush, friend, bestfriend sayo, para sa'yo tong babahin na to. Although hindi 100% sure pero try mo padin. :) Share at like kung nagustuhan mo.