SECRET LOVE -Part 1

13 0 0
                                    

February na... Wala pa rin akong naiimbitahan para sa valentine's day. Lahat ng mga kaibigan ko may kanya-kanya nang lovelife kaya hindi na nila problema ang date nila.

Ako lang kasi ang namumukod tanging TORPE sa aming magbabarkada. Oo inaaamin ko, TORPE nga ako. Marami na akong binalak na ligawan pero lagi na lang akong nauunahan  kaya hindi ko na lang tinutuloy. :(

Nauso pa kasi ang salitang hiya ehh. Yan tuloy lagi na lang akong olats. Inuunahan niya kasi ako ehh. Mahirap kaya mag-ipon ng lakas ng loob noh!! Minsan nga ung younger sister ko pa ang gumagawa ng paraan para maging close kami ng babaeng gusto ko.

Nakakahiya man aminin pero un ang totoo. Hindi naman ako talo sa looks kahit papaano naman kasi, may mga male beauty contest organizers na kumukuha sa akin para i-manage at nag-uudyok sa akin para sumali.

Kaya ko naman pero nahihiya talaga ako. Tanging ang napakalaking HIYA lang ang kalaban ko. Marunong naman ako kumanta at tumugtog ng violin dahil nagkaroon ako ng voice at violin lessons dati. When I was a little boy kasi, gustong-gusto ko na kumanta.

I have the voice though have no confidence to stand firm and tall. Consistent honor student naman ako sa school namin.

Sabi nga ni Faye, my younger sister : "Yes, you have the looks, you have the brain, you have the money, you have talents, but one big thing is lacking upon you. It's Confidence. As in capital C-O-N-F-I-D-E-N-C-E."

Tama naman siya ehh. Ako talaga ang may problema. Ako na talaga ang sobrang mahiyain.

When GOD bursted a lot of confidence, walang duda, nasa banyo daw ako ng mga oras na un sabi ng bestfriend ko, si Neil.

Pero teka -teka, biglang tumayo mga balahibo ko. May nakita akong ANGEL!

SECRET LOVE -Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon