accounting + calculator (oneshot)

4K 172 44
                                    

Yessssss! Natapos na rin exam sa Management Accounting... nakakadugo ng utak! puro mga ratios!

Buti na lang nandiyan si calcu.. Di ko lam kung ano gagawin ko pag wala siya!

As an accounting student, isa yan sa mga 'BASIC NEEDS' (if you know what I mean). mehehehe ^__^

Isa na lang pag-eexam namin niyan, Humanities 2, kayang-kaya na yan! Mahilig naman ako sa KPOP... anong konek? Korean kaya yung Foreign Language namin. Hahaha!

Pansin ko puro tawa na lang ako. Buti ako na lang mag-isa dito, kundi baka pagkamalan akong baliw. >///<

Ang mabuti pa makalabas na dito sa classroom at makapunta na sa next exam room namin.

Oo, ako lang mag-isa. Iniwan ako ng mga mababait kong kaibigan, mabagal daw kasi ako mag-exam! Ghaaaaad! Bakit ang layo? =_=

After asdfghjkl years, nandito na rin... pero bakit wala pa yatang tao? uhmm.. Pero mabuti na rin yun, makakapili ako ng lugar na uupuan! whahaha! >:)

"Ay panget!" waaaa! Bakit ba nanggugulat etong lalaking 'to! Biglang nangangalbit... psh!

"Haha.. Grabe ka naman! Sa cute at gwapo kong 'to, tatawagin mo akong panget?" aigoo! Effortless talaga magpa-cute ang lalaking eto kahit kelan.

"Bakit ka ba kasi nanakot? At anong ginagawa mo dito?" inis kong tanong. Pero bakit kinikilig ako? hahaha.. Bigla kasi siya ngumiti e... landeee!

"Ano kasi..." uwaa! Bigla akong kinabahan. "naiwan ko yung calculator ko, pwede pahiram nung sayo?" kakamot-kamot pa niyang sabi. "Tapos na rin naman yata kayong nag-exam sa ManAc. Kung okay lang?" sayang! Akala ko pa naman magtatapat na siya. hahaha.. ok! Ako na assuming!

"aaahhhhh... Yun lang ba? Ok lang sige." kahit nga huwag mo nang ibalik eh! Pero joke lang yun.. Love na love ko kaya si MC! Yan tawag ko sa calculator ko. Hihi :3

*hanap sa bag... sabay abot sa kanya*

"Salamat Michi.. balik ko na lang mamaya sa inyo." pagkasabi niya yun, umalis na siya.

Kikiligin na sana ako nung sinabi niyang isasauli niya mismo sa bahay namin. Kaso naalala ko, magkapitbahay nga pala kami... =_=

"Oy! Oy! Sino yun?" Panira ng moment! Pero at least, nandito na rin sila. May kasama na ko. At ang mga mababait kong kaibigan, may mga dala pang pagkain, di man lang ako niyaya or binili man lang. Gutom na kaya ako! *O*

"Sino pa? E di si Marcus.. psh! pahingi nga nyan!" sabay kuha sa kinakain nila. Wahaha! ganyan talaga pag magkakaibigan, dapat walang hiya sa isa't-isa. ^__^V

*lamon lamon lamon*

"Oh yung kababata mong crush na crush mo? Bakit daw?" psh! napaka tsismosa talaga nila! Buti na lang may 30 minutes pang break. Kaya wala pa rin yung iba naming classmates. Kundi ay nakakahiya! >///<

Mapagtripan na nga lang sila! Kekeke >:D

"Kasi... ano... tinanong niya ako..." paputol-putol kong sabi habang nilalaro mga daliri ko, para suspense! mehehe "kung pwede daw ba na... na ano..." sabay yuko ng ulo ko.

"NA ANO NGA???" sabay-sabay nilang sabi. Hahahaha! nakakatawa mga itsura nila kahit nakayuko ako, nakikita ko pa rin. Mga tsismosa talaga! Pffft! Pigil-pigil din ng tawa minsan. Haha >:)

"Actually di naman yun importante, wag niyo na lang pansinin.." pa-inosente kong sabi, sabay ngiti.

"ah sige.." walang pag-aalinlangan sagot nila, sabay talikod sa kin. Uwaaaa~ Di man lang nila ako pipilitin?? *pout*

accounting + calculator (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon