Decieve Part 3

8 1 0
                                    

Maayos naman ang mga unang araw ko sa trabaho. Isang linggo na ko dito at tatlong araw na lang ay JS Prom na nila Monica. Pinangako ko nga palang bibilhan siya ng damit para makasali.

"Mariel nakalimutan ko pa lang ibigay to kanina." May inabot sakin si Liza na kapirasong papel, may laman ito sa loob.

"Ano to?"

" Tip mo. Every week ang hatian ng tip dito." Sabi niya. Si Liza ang cashier namin sa resto.

"Ah ganun ba. Salamat." Agad ko itong binuksan pagtalikod niya. Kulang kulang 700 malaki din pala ang tip dito.

Halos araw araw maraming customer dito. Masarap kasi ang mga pagkain na sineserve. Mabilis ko namang natutunan yung mga ginagawa namin dito. Mula sa order taking, sa pagpunch ng order sa micros at pagseserve ng orders. Pati nga yung mga pangalan ng pagkaing hindi ko mapronounce dati dahil kakaiba ay nakabisa ko na rin.

Unti unti na ring nahahasa ang pag eenglish ko dahil tuwing break time ay nagbabasa ako ng lumang libro ng kapatid ko.

Paglabas ko marami na agad tao. May isang grupo ng babae't lalaki ang pumasok at inassist ko dahil may inaasikaso din yung dalawang receptionist.

Agad kong namukhaan yung mga lalaki. Sana hindi nila ako makilala.

Binigyan ko silang ng menu pero yung isang lalaki na nambastos sakin ay panay ang tingin sakin. "You look familiar." Sabi nito.

"Yan ka na naman tol eh. May kasama ka na ngang chicks pumaounch line ka pa sa iba." Biro ng isa niyang kasama.

"Hindi ako pumapunch line. Familiar nga kasi talaga siya." Giit nito.

Sandali pa lang naman akong nakatayo doon pero naiinip na ko sa paghihintay. Baka kasi biglang maala ako nitong isa. Patay ako.

"Brad nasaan na ba si Albert? Ang tagal niya pre ah" biglang lumukso yung dugo ko nang marinig yung panagalan niya. Darating dito si Albert. Magkikita kami.

"He told me he'll come in 15 minutes." Sagot ng kausap.

"Kanina 15 minutes. Ngayon 15 minutes ulit?"
Reklamo ng isa pa.

"Baka nagmemake up pa." Tapos nagtawanan sila pati yung mga babae.

"Pambihira ano siya babae?" Halatang hindi ito natutuwa.

Nakuhanan ko ng order yung nga babae. Tumalikod na ko para ipunch yung orders nila nang marinig ko na ang isang pamilyar na boses.

"Tol. King ina mo! Akala ko nakagown papunta dito."

"Gago!"

Muli akong bumalik para kunin yung order nung mga lalaki. Papalapit pa lang ako nakatingin na si Albert sakin. Kahit sa pagkuha ko ng order niya ay nangangatog ako. Titig na titig siya sakin tapos nakangisi pa.

"Pre naaalala ko na kung sino kahawig ni ate." Hindi pa rin pala siya nakakamove on. Napatingin naman sakanya lahat ng kasama niya pati Albert. "Yung type kung chinita dun sa stag party ni Raymond."

Halos hindi ako makahinga ganun din naman si Albert. Nakatingin ito sakin. Tapos isa isa na ring tumingin yung mga kasama nila sa lamesa. "Hindi ko maalala pre eh. Lasing na kasi ako nun. Tsaka marami namang magkakahawig sa mundo." Sagot ng isa.

"Hindi mo talaga makalimutan kasi nasupalpal ka nung chinita. Hahaha" Nagtawanan sila.

Maya maya ay lumapit na sakin yung runner para iserve yung orders nila. Inuna ko yung mga babae. Si Albert yung huli kong sinervan.
Nakaramdam ako ng selos ng makita kong hinawakan nung babae yung kamay niya sa ibabaw ng mesa kaya binitawan ko yung ilalapag kong Iced tea. "Oh my gosh!" Malakas na sabi nung babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DeceiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon