IKAW LAMANG
Rene Boy T. Dismaya - NEO
Sa buhay ng tao ay napakaraming surpresang maaaring dumating. Kadalasan ang kaya lamang natin gawin ay hayaan silang dumating sa buhay natin. Ngunit dumarating ang mga pagkakataon na kaya natin harapin ang mga iyon, ngunit minsa'y hindi natin kayang lumaban. Ang pagsuko ay hindi nangangahulugan ng pagkabigo.
Si Elena ay isang dalagang may mabuting loob sa probinsya ng Ilocos Norte. Isang araw sa kanyang pagbyahe papuntang Maynila ay may isang lalaking sumakay sa Tarlac, Tarlac. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakiupo ito sa tabi ni Elena....siya ay si Patrick. Bigla na lamang sumingit ang lalaki sa pagitan ng mga upuan patungo sa gawing bintana na kinalalagyan ng dalaga. Bigla na lamang nagulat si Elena dahil sa walang patumanggang umupo ang lalaki na hindi man lang nagpaumanhin ng mabunggo ang dalaga. Inis na inis na si Elena ngunit wala siyang magawa. Ang mas masahol ay nang makatulog ang lalaki at biglang nailatag ang ulo ni Patrick sa balikat ni Elena na agad namang kaniyang sinaling . Habang nasa daan biglang nagulat si Elena sa isang dumagundong na tunog na animo'y galing sa ilalim ng lupa.....ito ay ang pabiglang paghilik ni Patrick. Dahil dito ay naalimpungatan ang dalaga at nawala na rin ang kanyang antok, na dumagdag pa sa kanyang inis. Pagkatapos ay biglang naglaway ang lalaki na tumulo pa sa braso ng babae. Katulad ng karaniwang reaksyon ng tao, napasigaw si Elena sa galit at nagwika "Bwisit.....,bwisit.....ukitnana nga bulog.......inaramid nak nga lababo!" Dahil sa pangyayari ay nagulat si Patrick at lumingon sa harap ng bus at nagtanong kung ano ang nangyari? Nang malingon sya sa tabi nito ay nakita nya ang mga nanlilisik na mata ni Elena. Isa lang kanyang ginawa kundi ngitian ang dalaga at tanungin "bakit miss may problema ba?Anong nangyari?" Nang masulyapan ng dalaga ang ganda ng mga mata ng lalaki animo'y parang isang mabagsik na leon na biglang napamong tupa.....Walang magawa ang dalaga kundi gumanti ng ngiti....ngiti na may piga ng kamay sa panyo na para bagang gustong manapak. "Cute sya kaso.....yuck...... nagdugyot...!" Makaraan pa ang ilang sandali ay nakarating na ang bus sa Terminal ng Mabalacat sa Pampanga. Doon ay nangusap ang lalaki at nagwika "Miss merienda tayo.....!" Pabulong na sinabi ni Elena na "Nalpasan nak nga kinatayan....awisen nak....ta ulom....!". Hindi na nilingon pa ng dalaga si Patrick. Bumaba si Patrick at bumili ng makakain. Ilang sandali ay bumili na rin si Elena ng kanyang pagkain. Pagkabalik ng dalawa sa bus ay sya namang simula ng muling pag-andar ng bus. Habang nasa daan, sarap na sarap sa pagkain ang dalawa. Ang pinagkaiba nga lang ay sobrang daldal ng lalaki parang tren kung ngumuya at salita ng salita. Hindi na pinansin ni Elena si Patrick, ipinagpatuloy na lamang nito ang kanyang pagkain.Maya-maya pa ay biglang napaubo si Patrick dahil sa katakawan. Nailipad nito ang laman ng kanang bibig sa likuran ng upuang sa kaniyang harapan. Napasabay naman sa paghalakhak si Elena na biglang nasabi ang mga katagang "gonggunam ....ata ket ...kinarawet!". Nagtaka na lamang si Patrick laging nagsasalita ng Ilokano ang dalaga sabay titingin sa kanya ito. Pagkatapos biglang natawa ang lalaki na parang sa kanya ang buong bus...ito ay dahil is isang munting bagay na nakita nito sa ulo ng dalaga. Parang mamamatay na sa kakatawa si Patrick. Ano ba ang itinatawa mo para kang baliw ani ng dalaga. Hindi na napigilan ni Patrick at nagtapat ito sa dalaga at nagwika "Alam ang ganda-ganda mo....sa sobra mong kagandang kahit ipis pala pinapatulan ka na" wika ni Patrick na walang humpay parin ang pagtawa. Kumulo ang bawat himaymay ng laman ni Elena sag alit...sa di mapigilang galit ay nagsalita ulit ito ng ilokano...."Matay ka kuman.....wenno mapasabugan ta rupam ti Granada.....ukitnam...ukitnam......". Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa parting Camachile, doon ay hinablot ng dalaga ang kaniyang bag at nagbanta ang dalaga......"Sana ay di na tayo magkita balang araw kundi ay ipapakulam kita.....ipapalagay ko 'yang nasa harapan mo dyan sa ulo mo. Dahil sa napahiya ang lalaki ay di na nitong nagawa pang sumagot.....tumahimik.........