HBDTY 01

409 10 0
                                    

Steffi's POV

Grabe.Sobrang saya ko ngayon ,di ko talaga maipaliwanag lahat ng good things na nangyayari sa akin . Anyways, Excited ako ngayon ... Syempre first day kong pumasok sa Evilia University .. Name pa lang nakakakilabot na , pero that's what not I mean . Tanging mayayaman lang at may kaya sa buhay ang makakapag aral sa ganyang unibersidad. Ang swerte ko nga ehh . Syempre businessman ang Papa ko at ang mama ko naman ay isang sikat na Fashion Designer . Saan ka pa ? Haha . Teka teka . Nagugutom na ako andami ko pang sinasabe . By the way ako nga pala si Steffi Cruz .. 16 years old ang gandang babae ng Quezon City . Etchos lang .. Sige na nga kakain na ako . Asan nga pala si Yaya ? Pumunta na ako ng hapag kainan at andun na ang almusal ko . Kakain na sana ako pero naalala ko nga pala Birthday ni Yaya ngayon ! Wala kasi sina Mama at Papa kaya naging close na kami ni Yaya simula pa nung bata ako . Pumunta ako sa kusina para kunin yung Chocolate Cake na ginawa ko . Teka ? Bat wala dito ? Asan yun napunta ? Dito ko lang naman yun nilagay ahh ?!

"Arghhhhhhhhhhhh " isang sigaw ang narinig ko at kung hindi ako nagkakamali boses yun ni Yaya . Galing sa taas ang tinig nya kaya umakyat ako ng walang pag aalinlangan. Madami akong nakitang patak ng dugo sa hagdan sinundan ko iyon at nakita ko si Yaya na nakahandusay at nanlilisik ang mga mata .

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" sigaw ko kahit takot na takot ako lumapit ako sa kanya . Iyak ako ng iyak . Nanginginig ako sa sobrang takot . Nagulat ako dahil nakita ang  Chocolate cake sa tabi nya at may nakalagay 'Happy BirthDeath To You ^^' . Patak ng mga dugo ang nakalettering sa Cake .

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh"sigaw ko na naman.Sino namang pontcho pilato ang maglalagay nito ?! Bigla ko nalang naramdaman na lumakas ang hangin at naging madilim ang paligid . Naramadaman ko na parang may nagmamasid sa akin kaya napalingon ako sa harap ko .

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" sigaw ko . Iyak ako ng Iyak sa nakita ko isang babaeng nakasuot ng uniform ng Evilia University . Nakangiti sya sa akin . Halos di ako makagalaw sa kinatatayuan ko . Nanginginig ang mga tuhod ko.Pinikit ko na lamang ang aking mga mata ang nanalangin ng taimtim .

"Hoy Steffi Gising Na !!!!!!" Halos mahulog na ako sa kama ng makita ko si Yaya na gumigising sa akin .

"Steffi? Okay ka lang ?" Wika nya .Panaginip lang pala ang lahat akala ko totoo  ..

"Hmm. O--Ok lan--lang ako " pautal utal kong sabi . Dali dali akong bumangon at nag almusal . Excited  kasi ako na pumasok .  First day ko nga kasi ngayon .  Pero sino yung babaeng nasa panaginip ko ? .

"HAPPY BIRTHDEATH TO YOU''Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon